- Sammy - Hindi naman nagtagal ay umalis na rin ang kaibigan ni Adam na si Thunder dahil may trabaho daw ito. Tinanong ko kung anong trabaho at ang sagot niya ay contractor. Hindi ko pa masiyado na-gets nung una kaya napa-search pa ako sa google. At napanganga na lang ako. Ibig sabihin pala ay may ari ito ng kompanya at nangongontrata. Kaya pala ganun na lang ang mga kaibigan ni Adam. Bukod sa gwapo na ay puro mayayaman na katulad niya. Pero sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung ano ang pinakamain na trabaho ngayon ni Adam. Puro office lang kasi ito, nung nagpatulong sa akin para mag-encode ay puro sa construction sites at tools. Umalis na rin naman siya sa pagiging sundalo. Pero parang ang yaman-yaman niya pa rin. Hindi lang ako makapagtanong at baka maging chismosa naman ang dating k

