-Sammy- Umalis si Adam kasama si Tito Boy at dalawang pinsan kong lalaki na si Dudung at Emboy, sakay ng tricycle patungo sa bayan. Dahil malayo pa ang bayan kaya kailangan ay makauwi sila bago magdilim. Nakasimangot ako habang lumalayo si Adam na nakaupo sa likod ng driver. “Bakit ka nakasimangot Samantha? Daig mo pang naglilihi na asawa ah. " sita sa akin ng Inay. Napanguso ako. “Hindi po, Inay" Napabulong na lang ako. Si Inay talaga ang daming napapansin sa akin. Bwisit kasi yung tukmol na yun eh, dami ng kasalanan sa akin. Ayaw pa akong isama sa bayan. Hmmpp!! Nagpahinga ako sa upuan sa sala, maya-maya pa ay nagsidatingan ang ibang kamag-anak namin. Kinamusta ako ng ilang tiyahin ko at mga pinsan ko na ngayon ko lang din nakita at nakilala. Dalawa doon ay kaedaran ko lang pe

