ETHAN POV Binuhat ko siya papasok muli ng aming kwarto at maayos ko siyang nilapag sa kama. Sinarado ko rin ang lahat ng kurtina sa paligid. Ayaw kong mayroong makasilip sa amin. Muli akong lumapit sa kanya at dahan dahan kong iginapang ang aking kamay sa kanyang legs. "So ano... gusto mo na ba talaga itong gawin..." malambing na tanong ko, gusto ko siyang maging komportable kahit na nag iinit na ako at hayok na hayok. Hindi siya makasagot sa akin. Bagkus ay hinawakan niya lamang ako sa aking kamay. Tumabi ako sa kanya at isinandal ko siya sa aking balikat, "Babe, what's holding you back?" tanong ko. "Ewan ko," saad niya. Wala akong nararamdamang pananabik sa kanyang boses. Parang wala pa nga itong ganang magsalita. I guess, kailangan ko lang talaga na mailabas ang tinatago niya

