HAROLD POV Lumingon ako kay Steve ng kalabitin ako nitong bigla. "Pare ayos ka lang ba ha?" nag aalalang tanong nito. Napatingin ako sa paligd at nakita kong nakatingin sa akin ang ibang mga tao sa gym. Kaagad akong tumayo at uminom sa tumbler na binigay nito sa akin. Sa sobrang uhaw ko ay halos maubos ko na ang laman nito. "Okay na ako pre," sagot ko pagkatapos kong uminom ng tubig. "Teka lang nga? Sino ba yang Sheena na sinisigaw sigaw mo?" "Sheena?" Nang ipikit ko ang mga mata ko, nakita ko ang isang napaka gandang babae na nasa aking harapan. At tila ay nasa kalagitnaan kami ng karagatan. Subalit mabilis din itong nawala sa aking isipan. "Hindi ko siya kilala," sagot ko kay Steve. "Tara na, samahan mo na ako. Mag pupush up lang ako bilang panimula. And then after that, m

