MARIAN POV "Asaan ka na sis?" tanong niya. Hindi ako maka bwelo upang makapag reply sa kanya dahil sa siksikan. Nag reply lang ako noong nawala na ang siksikan ng mga tao. Pagbaba naman namin ng bus ay sumakay naman kami ng jeep. Dito napansadal na sa aking balikat si Harold. "Pagod na ako babe, malayo pa ba tayo?" Sa boses pa lamang ni Harold, ramdam ko kaagad na gusto niyang ipahinga ang kanyang katawan. Halatang hindi talaga siya sanay sa biyahe. Bago raw kami makarating sa bahay ni Ivy, isang sakay pa ng tryclcle kasi naka tira siya sa isang subdivision. "Sige matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag bababa na tayo," tipid ngiting saad ko pa. Mabuti na lamang ay nasa dulo ang pwesto namin kaya ayos lang na sumandal siya sa akin. Napatitig ako sa inosenteng mukha ni

