PAANO nga kaya niya nalaman? Siguradong a-attend talaga ako nito sa Tourism Ball dahil naka-oo na ako kay Lorraine pero ang pagkanta para sa Eraserhands ay naitanggi ko na kay sir Alejandro. "Bahala na nga!" Bahala na naman ako sa mga mangyayari sa Tourism Ball na iyon. Kinabukasan, isang araw bago ang Tourism ball, nanghiram na ako kina Lebron ng susuotin para bukas ng gabi. "Saan mo ba iyon gagamitin?" tanong ni Lebron. "Para sa Tourism Ball bukas," sagot ko. "Tourism Ball? Mag-aano ka ro'n? Eh hindi naman tourism ang course mo?" tanong naman ni Dwyane. "May nag-invite kasi sa akin at napa-oo na ako. Kaya heto ako at nanghihiram ako ng damit sa inyo," tugon ko. "Eh sino pare ang nag-imbita sa 'yo?" tanong naman ni Chris. "Si Lorraine ba? Ayiehh!" pahabol pa ni Lebron at napatang

