NAPANGITI ako sa narinig kong iyon mula kina Lebron. Hindi ko inaasahang gagawin ni Lorraine iyon. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya iyon sa isang kagaya ko. "Maya-maya lang pare ay nandito na rin iyon," dagdag pa ni Dwyane. Mga ilang minuto ang lumipas at biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan namin. "M-mellard..." Dumating na siya at agad niya akong niyakap. "S-sorry... Napahimbing ako ng tulog kanina. Hindi tuloy kita naipagtanggol nang mas maaga... S-sorry talaga..." Mangiyak-ngiyak pa siya habang sinasabi iyon. Napatingin pa ako sa mga kaibigan namin at sobra ang ngiti nila sa aming dalawa. Napa-aray nga lang ako dahil sa higpit ng yakap ni Lorraine sa akin. Napatawa tuloy sila. "S-sorry!" ani Lorraine. Agad namang kumalas si Lorraine sa pagkakayakap niya sa ak

