ATARAH MALALIM NA ANG GABI PERO HINDI pa rin ako dinadalaw ng antok at siguro dahil iyon sa nangyari kanina sa party ng kapatid ni Merideth. Kailangan tuloy naming umalis nang maaga kahit halos kakarating lang namin doon. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit biglang nagkainitan sina Oliver at Sir Zach only tapos madadamay pa ako. Napabuntong-hininga na lamang ako at napagdesisyunan kong bumangon mula sa sofa na kinahihigaan ko. Napatingin pa ako sa pinto ng kwarto ni Sir Damon at napangiwi dahil mukhang napahiya pa ata si Sir sa pamilya ni Merideth nang dahil sa akin. “Tulog na kaya siya?” tanong ko sa sarili ko at naglakad palapit sa pinto niya. Nang-akmang kakatok ako ay agad akong natigilan dahil baka galit siya sa akin at kailangan niyang magpalamig ng ulo. Natikom ko ang bibi

