ATARAH KASING DILIM NG KALANGITANG ANG awra ni Sir Damon nang magpasya siyang bumalik na lamang kami sa bahay dahil wala rin naman kaming choice dahil iisa lang naman ang p’wede naming daanan. Nang lumabas naman siya ng kotse ay padabog pa niyang isinara ang pinto at naglakad papasok sa loob ng bahay. Hindi na niya alintana ang lakas ng pagbuhos ng ulan kaya panigurado akong basang-basa na siya. “May bagyo ba ngayon?” tanong ko sa sarili ko at napabuntong-hininga saka nilingon ang bag ni Sir Damon na naiwan niya. Kinuha ko naman iyon at niyakap upang hindi mabasa ng ulan saka ako patakbong lumabas ng kotse. “Atarah, you can rest to your room. I’ll call you if we'll leave,” aniya nang makapasok ako ng bahay. Tumango naman ako at binigay sa kaniya ang kaniyang bag na agad niyang kinuha m

