"Freya, I have a favor." Napakamot sa kaniyang ulo si Jacob dahil nahihiya siya sa dati niyang kasintahan. "Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina sa EX-GIRLFRIEND mo. Kung alam ko lang na may kapalit pala iyon, umalis na lang sana agad ako." Tiningnan niya si Jacob na ngayon ay parang hindi mapakali sa kinatatayuan nito. "Pero sige, pagbibigyan kita para quits na tayo. Ano ba'ng hihingin mong pabor? Tumikhim si Jacob at bumuntong hininga. Kailangan niya ng partner na maihaharap kay Mr. Clinton kinabukasan. Alam niyang mas lamang si Ivana pagdating sa lahat pero susugal pa rin siya kay Freya. Maganda rin naman ito, simple nga lang kung manamit at walang kahit anong kolorete sa mukha. "Be my girlfriend for a day," sambit ni Jacob sabay iwas ng tingin. Napanganga si Freya sa

