Goodbye Baby ni Ellah

1263 Words
napakunot ang noo niya bigla nang masilayan ang mukha ng lalaki. Akala pa naman niaya ay ang lalaking mahal niya yun pala at namalik mata lang siya pero teka nga parang namumukhaan niya ito. Pilit niyang inalala kung sino ito ngunit dahil siguro nakainom siya ay ayaw gumana ng utak niya. "Have we met?" tanong nito. "I don't think so," she said in a slurred voice. Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang pagkahilo niya. Mukha ngang kailangan na niyang umuwi. "Sorry uli," aniya bago nagtangkang lumayo rito. Ngunit nasapo niya ang kanyang ulo nang makaramdam uli siya ng pagkahilo. "Kailangan mo ba ng tulong, Miss?" Pinili niyang huwag itong sagutin ngunit nagulat siya nang hawakan siya nito sa braso. "Bitawan mo nga ako!" Agad naman siyang binitiwan nito. "Whoa! So this is what I get for trying to be a gentleman?" "Gentleman? Style mo bulok! Tse!" "Sandali lang. Pamilyar sa akin ang ganyang klase ng pagtataray." Sandali itong tila nag-isip bago nagliwanag ang mukha. "Hey! I remember you now!" "Ewan ko sa 'yo!" aniya bago tuluyang lumayo rito. "ANG TAGAL na natin dito pero wala pa ring dumadaang taxi. Inaantok na'ko," reklamo ni Ellah "Tawagan n'yo na lang ang mga asawa ninyo para makapagpasundo na tayo rito." "Hindi puwede. Sa palagay mo ba, papayagan kami ng mga asawa namin na magpunta sa ganitong klase ng lugar kung nagsabi kami nang totoo?" tanong ni Katrina "So ibig sabihin, nagsinungaling kayo sa kanila?" "Siyempre, 'no. Ang paalam nga lang namin magbi-videoke lang tayo sa bahay ninyo para payagan kami" sagot sa kanya ni Aireen. Napahalukipkip si Ellah. Wala pala silang choice kundi maghintay roon. She was really getting more and more sleepy. Naghikab siya. Mukhang hindi talaga para sa kanya ang pagba-barhopping at pag-inom. Muntik pa nga siyang nabastos sa loob ng bar. Biglang may tumigil na kotse sa harap nila at mula roon ay nagmamadaling umibis ang isang pamilyar na bulto. Si Jonin Parang biglang nawala ang antok at kalasingan niya pagkakita sa lalaki. Dala marahil ng pagmamadali ay hindi sila napansin nito at dumeretso ito sa loob ng bar. "Si Jonin ba 'yon?" tanong ni Aireen sa kanilang dalawa katrina. Lahat pala sila ay nakasunod ang tingin dito. "Ano'ng ginagawa ng lalaking 'yon dito?" galit na tanong ni Katrina. Galit pa rin kay Jonin ang mga kaibigan niya. Bukod sa mga ikinuwento niyang nangyari sa huling pagkikita nila ay nasaksihan din ng mga ito kung gaano siya nasaktan noon dahil sa lalaki. They were the ones who comforted her during those times. "H-hayaan na lang natin siya." She felt the familiar pain again. She realized that all those months when she never saw him made her long for him all the more. Labis siyang natakot sa natuklasan. "G-gusto ko nang umuwi. Nakakainis naman. Bakit wala pa ring dumadaang taxi?" Bigla ay gusto niyang mag-panic. "Thank God you're still here. Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Natigilan si Ellah pagkarinig sa boses ni Jonin. HINDI makapaniwalang pinagmasdan ni Jonin si Ellah. Ilang buwan din silang hindi nagkita nito. Pinili niyang huwag na itong guluhin pa o magparamdam man lang dito para na rin sa kapakanan nito at higit para sa kanya. He didn't trust himself when it came to her. Nang tumawag ang pinsan niyang si Jeffrey at sinabing nakita nito si Ellah sa isang bar ay agad na napukaw niyon ang interes niya kahit pa nga noong una ay hindi siya naniwala rito. Alam niyang hindi siya gusto ng kanyang pinsan at kahit noon pa man ay hilig na siya nitong asarin. lamang at lulan na siya ng kotse niya habang mabilis iyong pinapasibad patungo sa bar na kinaroroonan ni Ellah. At ngayon nga ay nasa harap na niya ito. At last I've found you, Ellah. NAKAGAT ni Ellah ang ibabang labi nang marinig ang pamilyar na boses ni Jonin. Bakit ba tila inaasar sıya ng tadhana? Paano pa niya matutupad ang resolution niya kung nasa harap uli niya ang lalaking matagal na niyang mahal. "Okay ka lang ba?" Hinawakan nito ang braso niya saka siya pinasadahan ng tingin. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. "I hope you're not hurt." Iniiwas niya rito ang kanyang braso. "O-okay lang ako. Pa'no mo nalamang nandito ako? Saka bakit ganyan ang reaksiyon mo na parang alalang-alala ka sa 'kin?" Hindi niya napigilang mabahiran ng panunumbat ang kanyang tinig. "Tinawagan ako ni Jeffrey at sinabi niyang nakita ka raw niya rito na nagwawala sa sobrang kalasingan." "Nagwawala ako? Baliw na ang pinsan mo. Hindi totoo 'yan!" bulalas niya. Sa wakas ay naalala na niya kung sino ang lalaking nakabanggaan niya sa labas ng restroom. Iyon nga pala ang pinsan ni Jonin na nakilala niya noong anniversary ng tullys restaurant. "Ang sabi pa niya, may kasayaw ka raw na lalaki mukhang binabastos ka." "Teka nga," sabad ni Katrina, saka itinuro ang sarili Ako ba ang tinutukoy niyang lalaki?" Dahil pulis ito kaya napakaiksi ng gupit ng buhok nito. "Sino ba 'yang Jeffrey na yan nang maturuan ko ng leksiyon?" "Pinsan ko siya," sagot ni Jonin. "Ako na mismo ang humihingi ng tawad para sa kanya, Katrina Likas lang talaga na malakas lang mag pasaway iyon kung minsan pero mabait naman iyon." "Hindi mo rin masisisi si Jeffrey. Minus those dangling earrings of yours, you really look like a guy," pang-aasar pa ni Aireen kay katrina "Huwag ka ngang sumingit sa usapan, pandak na to!" sabi ni Katrina dito "Edi wow sayo, tomboy ka naman!" ganti ni Aireen dito. "Eh, kung ipakulong kaya kita no, gusto mo?" Biglang tumawa si Jonin, tila aliw na aliw sa pag-aasaran ng dalawa. Mayamaya pa ay hindi na rin nila napigilan ang matawa. Napatitig siya kay Jonin habang nakikipagtawanan ito sa mga kaibigan niya. Naalala niya si Rogie. Kahit minsan ay hindi ito nagkaroon ng pagkakataong maka-bonding ang mga best friend niya dahil ang tingin nito sa dalawa ay kaagaw sa oras at panahon niya. "Tutal nandito ka na rin lang, Jonin, baka puwedeng ihatid mo na lang kami nina Aireen at Ellah, Kanina pa kami nag-aabang ng taxi rito, eh," ani Katrina habang nakaakbay sa lalaki. Nanlaki ang mga matang napatitig si Ellah sa kaibigan. Hindi ba't kani-kanina lang ay galit pa ito kay Jonin? Pero bakit ngayon ay daig pa ng mga ito ang just want to congratulate you. I think you've finally found yourself a good man." She never thought it would turn out this way. Ang sakit-sakit ng pakiramdam niya ngunit hinding-hindi niya hahayaang malaman iyon ni Jonin Ang dami na niyang ginawang mga bagay na kahit minsan ay hindi niya inakalang magagawa niya dahil dito at hindi na siya papayag na madagdagan pa iyon. She smiled at him sweetly. "Do you think so, too? Rogie is a nice man and I'm starting to like him. Tanga na lang ang babaeng pakakawalan pa siya. Who knows, maybe one of these days tawagan kita para sabihing ikaw ang mag-cater sa kasal namin." She felt so bad and it was the only way she could ease the pain in her broken heart. Hindi ito sumagot. "Sige. Mauna na 'ko." Tinalikuran na niya ito dahil nagsisimula nang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bago tuluyang umalis ay nilingon niya si Jonin. Naroon pa rin ito sa kinatatayuan nito habang nakayuko at nakakuyom ang mga kamay. Kung hindi lamang niya alam na wala itong gusto sa kanya ay iisipin niyang nalulungkot ito sa nangyari. Pero iwinaksi na niya iyon sa kanyang isip. She couldn't continue to hold on to someone who didn't feel the same way about her. Good-bye, Jonin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD