PENING THE BASURERA

2221 Words
CHAPTER 1 PENING'S POINT OF VIEW Uy! Jackpot 'to ngayon andaming tapon sa fast-food chain. “Nay! Nay! Bilis may hamburger at spaghetti pati na rin chickenjoy.” – binuhat ko kaagad ang isang trashbak ng basura na naglalaman ng mga pagkain bago pa ito makuha ng truck ng basura. “Nay, tayo na po may pang haponan na tayo.” “Sige anak tayo na.” ***** Ako nga pala si Pening yun ang tawag nila sa akin. Hindi ko kinahihiya na sa basura lang ang hanap buhay namin. Hanggang elementarya lang ang natapos ko. Sina Nanay Pena at Tatay Berting ang nakalakihan kong mga magulang kaya Pening ang tawag nila sa akin. Napulot lang nila ako sa basurahan, hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko at wala akong balak na kilalanin sila o hanapin. Kung buhay pa ba ang totoo kong magulang o baka wala na. Basta ang alam ko kung buhay man sila nakatatak na sa isip ko na wala silang pagmamahal sa akin, kasi kung meron man? Sana naging sapat na akong dahilan para magkaroon kami ng isang masayang pamilya. Kaya kung ayaw nila sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanila. Busog naman ako sa pagmamahal ni Nanay Pena at Tatay Berting. “ Hi Pening! Kailan mo ba ako sasagutin?” Hay naku nandito na naman si Rico kapwa ko basurero. Alangan namang isang hari ang manliligaw ko di ba? Daig ko pa si Cinderella no'n kung nagkataon. “Ano ba Rico, sinabi ko na sayo ..WALA KANG PAG-ASA sa akin.” “Aray! Sobrang sakit naman no'n mahal kong Pening. Bakit ba ayaw mo sa akin? Eh maganda ka, maputi--- at ako naman matangkad gwapo, o di ba bagay na bagay tayo? Amoy basura nga lang.” “Alam mo Rico, no offense ha? Pe------” “Yun oh! May English ka ng nalalaman Pening NOOO OFFEENSEE, teka ano ba ibig sabihin no'n Pening?” “Ewan ko basta napanood ko lang yun sa isang bahay habang kumukuha ako ng kanilang mga bote. Teka patapusin mo muna ako. Ganito yun Rico oh. No offense ha? Hindi talaga kita mahal, maybe you can find someone better than me.”- inayos ko talaga ang pag-acting ko ginaya ko talaga ang napanood ko. “Wow! Pening ang galing mong mag englis! Pero ano ba ibig sabihin no'n?” -pumapalakpak pa si Rico. “Putcha Rico yun lang di mo na gets?” “Hindi eh, ang na intindihan ko lang yung HINDI TALAGA KITA MAHAL yun lang ang tagalog eh” - Pa kamot kamot pa sya sa ulo “Eh ikaw Pening ano ba ibig sabihin do'n?” “Hindi ko rin alam eh, dyan ka na nga. Hahanap pa kami ni Nanay at Tatay ng matutulogan.” “Pening?!!!! Sagutin mo na ako ngayon!!! Ako na bahalang maghahanap ng matutulogan mo araw araw.” “Bahala ka na nga dyan. Maghanap ka ng matulogan mo.” Iniwan ko na si Rico at pumunta na ako kung saan nando'n si Nanay at Tatay. “Andyan ka na pala anak. Halika na't kakain na tayo.” “Sige po Nay!” Walang anak sina Tatay Berting at Nanay Pena kaya lahat ng pagmamahal ng mga magulang binuhos nila sa akin, kaya sobrang mahal na mahal ko rin sila. Pangarap ko talaga na makatira kami kahit man lang sa isang munting bahay. Yung kahit nagbabasura lang kami araw araw pero may inuuwian kami, nakakapagod din kasing makipaghabolan ng matutulogan kada gabe , kung minsan nga'y sinisita pa kami ng mga tanod o kaya mga may-ari ng tindahan kasi nando'n kami sa harapan ng kanilang tindahan nakahiga tuwing sasapit ang gabi. Kagaya ng kalagayan namin ngayon, gabi-gabi maghahanap kami ng pwestong matutulogan. Marami din kasing mga basurero na gaya namin nasa lansangan pa laboy laboy walang permanenting nauuwian, feeling namin – sa amin ang buong syudad. Ito ang nakalakihan kong buhay. Madungis, mabaho at palaging gutom. ***** Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming humiga sa hinandang tulugan ni Tatay Berting. . “Wow Tay! Bakit may pa kama po tayo ngayon?” “Malaki laki kasi ang kinita ko kanina sa pangangalakal anak, kaya naisipan kong magrenta ng kama. Trenta lang naman ang dalawang kama na 'to. Tsaka di ba birthday mo na bukas anak? at bukas ay hindi tayo kakain ng basura ibibili kita ng pansit do'n sa Carenderiang may masungit na tindera. May two hundred (200) pa naman akong naitabi pagkakasyahin natin 'to bukas.” “Haha doon pa talaga sa may masungit na tindera tay? Naalala ko nga no'n may customer sila na kumain do'n sa kanila tapos sabi ng customer 'Miss? Libre bang sabaw? Pahingi' agad naman nyang binigyan . Nangangalakal ako ng panahong yun tay. Kaya lumapit ako sa babaeng yun nanghingi rin ako ng sabaw kasi libre, pero alam mo Tay? Pinaalis ako kasi ang baho ko raw at nakakamalas sa paninda nya.” “Kawawa naman ang anak ko. Wag kang mag-alala anak bukas bibili tayo ng pansit at sabaw maghahanap tayo ng ibang Carenderia.” “Naku Tay, salamat po sa pa kama ngayong gabi pero wag nyo na po yang gastusin bukas Tay. Iponin na lang natin ang perang yan tay.” “Okay lang naman anak, kaya nga sinikapan ko talaga kanina ang paghahanap ng mga kalakal, plastics at kung ano ano pang pwedeng mabinta, para may mahanda kami ng Nanay mo, sayo bukas.” “Tay? Alam ko naman po na na mahaaaaal na mahaaaaal nyo po ako ni Nanay at araw araw ko po yung pinagpasasalamat sa Panginoon dahil sa pagmamahal nyo. Gusto ko lang naman tay makaipon tayo para may pang araw araw tayo. Tsaka hindi ko naman talaga birthday bukas Tay.” “Anak ika-dalawampung taon muna bukas, yan ang buwan at araw na dumating ka sa buhay namin ni Pena at simula sa araw na yun mas naging masaya kami ni Pena dahil binigay ka sa amin ng Panginoon. Nagkaroon na kami ng isang Prinsesa.” -naiyak ako sa mga sinabi ni Tatay Berting. Kasi kahit tinapon ako ng sarili kong mga magulang pero tinuring naman akong Prinsesa ng mga nakapulot sa akin. Niyakap ko si Nanay Pena at Tatay Berting. Sana lahat ng mga tinatapon na bata may makakapulot na katulad nina Nanay at Tatay, na kahit salat man sa buhay, mayaman naman sa pagmamahal. “ Sya nga pala Pening panahon na para ibigay ko ito sayo.” - Saad ni Nanay. “Ano Po yan Nay?” “Ang kwentas mo.” “Kwentas po? May kwentas Po ako Nay?” “Oo anak, suot suot mo yan no'ng araw na napulot ka namin. Tinago ko lang muna kasi bata ka pa at tsaka baka manakaw. Marami pa namang magnanakaw dito sa kalsada.” **** May naka lagay na Isabelle sa kwentas siguro ito talaga ang tunay na pangalan ko. “Wag mo na pong ibigay sa akin yan Nay, Ibenta mo na lang yan o kaya isangla mo, tapos bili tayo ng maraming maraming pagkain nay.” “Anak ano bang nakasulat dito sa kwentas? Hindi kasi kami marunong magbasa ng Tatay mo.” “Isabelle Po, Isabelle Po ang nakalagay.” “Ito siguro ang totoo mong pangalan anak. Isabelle ang gandang pakinggan anak bagay na bagay sayo. Gusto mo ba ito ang itatawag namin sayo?” “Ayoko Nay! Mas maganda po ang Pening Ibenta nyo na lang yan Nay, para hindi manakaw at makakabili pa tayo ng mga pagkain.” “Anak kunin mo ito, alam kong galit na galit ka sa kung sino man ang mga magulang mo pero alam ko rin anak na dadating din ang araw hahanapin mo rin sila. Aalamin mo pa rin ang tunay na pagkatao mo at isa ito sa magiging susi upang makilala ka nila.” “Nay, ayoko na po silang makilala kaya hindi ko po yan tatanggapin.” “Anak kunin mo na yan, isipin mo nalang na regalo namin sayo yan. Wag mo na lang isipin ang tunay mong magulang para hindi sumama ang loob mo.” -saad sa akin ni Tatay Berting. Kinuha ko na lang ang kwentas kasi hindi talaga sila titigil dalawa. Ayoko sa kwentas na 'to. Ayoko sa kung sino man ang magulang magulang ko, pero sinuot ko pa rin kasi yun ang gusto ng mga kinikilala kong mga magulang. Kinabukasan…. Maaga akong naghanap ng mga kalakal sa mga basurahan at sa daan para ma ibenta. Nilubot ko ang buong parke at mga daan pinupulot ko yung mga binabasura ng iba. Lahat na pwedeng Ibenta pinupulot ko. Gusto kong makaipon para maibigay ko sa kanila ni Tatay kasi uubusin talaga ni Tatay ang 200 pesos nyang kinita kahapon para lang makabili ng pansit at sabaw sa birthday ko. Nakapuno na ako ng tatlong sakO ng mga basura. Nakaramdam ako ng pagod kaya umupo muna ako dito sa Parke. Tinitingnan ko ang mga taong masayang gumagala dito kasama ang pamilya nila, habang kumakain sa mga klase-klaseng pagkain na binebenta malapit dito sa parke. “ Hi! I’m Madam Viona, you look beautiful, maganda ka iha.”-Biglang may isang babaeng lumapit sa akin at kinausap ako. “Hindi naman Po ako maganda ang dungis dungis ko nga po eh.” “Madungis ka nga pero tingnan mo ang mukha mo, ang ganda at ang puti mo. Kunting ligo lang at magbihis ka ng damit na bagay sayo,tiyak kahit ikaw sa sarili mo hindi mo makikilala.” “Wala naman po akong damit na maisusuot, wala akong pambili ng pera pambili no'n” “Walang problema yan may e-aalok ako sayong trabaho, tiyak na magugustohan mo ito. Magkakaroon ka pa ng maraming maraming pera at ng mga bagong damit, makakakain ka pa ng kahit anong gusto mong pagkain. Mabibili mo na ang mga gusto mo.” “Talaga Po? Ano pong trabaho?” “Bukas bumalik ka dito sa Parke , ganitong oras din sasama ka sa akin.” “Si-sige po” “O sya mauna na ako. Ito nga palang isang libo. Bibilhin ko na yang mga basurang kinuha mo. Ewan mo na lang yan dyan.” “Naku po parang sobra sobra na po ito.” “Sige na kunin mo na 'to, bumili ka ng presentableng damit yung babagay sayo at bumalik ka dito bukas.” “Ssige ho, ang bait nyo naman. Maraming salamat po talaga nito.” Naglakad na paalis si Madam Viona, grabe ngayon pa lang ako nakakahawak ng isang libo. Bibili ako ngayon ng maraming pagkain at ibibigay ko kay Nanay Pena ang perang matitira. Magandang balita 'to magkakaroon ako ng trabaho at kapag mangyari yun,iiponin ko ang sweldo ko at sisikaping magkaroon kami ng bahay kahit maliit lang at hindi na kami maghahanap pa ng basura. Ang saya saya ko sa isiping yun. Nang hindi ko na nakikita sa Madam Viona napagdesisyonan kong ibenta pa rin ang tatlong sakong napuno ko, baka kunin ng ibang namamasura. Inisa-isa kong binuhat at ibeninta sa malapit na Junkshop sobrang bigat pero nakakaya ko. Maraming salamat talaga sa biyaya ko ngayon Lord. ********** Hapon na ng makarating ako sa pinupwestuhan naming higaan dala ko ang isang supot ng pansit na sobrang dami at isang supot din ng kanin. Sabik na sabik akong ibalita kina Nanay at Tatay na may magiging trabaho na ako. Bumili din ako ng tatlong t-shirt para saamin. “Oh, Rico ? Andito ka na naman?” -nadatnan ko si Rico na mukhang may hinihintay. “Pening!!!”- nanginginig si Rico habang nagsasalita kaya kinabahan na ako at nag-aalala sa kanya. “Hoy Rico, okay ka lang ba?” “Pening kasi------ ano, wag kang mabibigla ha?” “Bakit? Ano bang nangyayari sayo?” Ngayon ko lang nakita si Rico na ganito ka putla . “Si---- si Manong Berting at sssss---- si Manaaang Pena, ka---- kasama sa natabunan ng lupa kanina sa dam site ng mga basura.” “Ha???? Ano??? Rico wag kang magbibiro ng ganyan hindi nakakatawa ha?” “Pening! Totoo, totoo ang mga sinasabi ko. Bumigay biglang bumigay ang lupa kanina nagka landslide, habang si Manang Pena at Manong Berting ay nasa baba namamasura. Kitang kita ko ang nangyari Pening.” “Hindi!!!!! Hindi!!!! Hindi!!!! Hindi pwede Rico! Hindi Pwede! Hindi totoo Yan!” Humagulhol na ako sa kakaiyak , hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. “Naaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyy!!!!!!!! Taaaaaaaaaaaaaayyyy!!! Huhuhuhuhuhu Nanaaaaaaayyy huhuhuhu Taaaaaaaayyyyy!!!!” Iniyak ko lang ng iniyak ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Niyakap ako ni Rico ng mahigpit ng mga sandaling yun. Kung bangongot man 'to gusto ko ng magising. “Pening wag kang mag-alala nandito lang ako para sayo. Dadamayan kita bilang kaibigan mo.” “Salamat Rico, Alam mo? Ito yung pinakamasakit na araw na nangyari sa buong buhay ko. Ito ang pinaka pangit na birthday. Rico Hindi ko alam, hindi ko alam paano magsisimula ng buhay na wala sila. Hindi ko kaya Rico gusto kong sumunod na sa kanila. Sana hindi ako namasura sa ibang direksyon. Sana sumama nalang ako sa kanila kanina para sama sama kaming tatlo. Sana nakasama nila ako. Hindi sana ako ngayon nag-iisa” “Sssshhhh Pening wag kang magsasalita ng ganyan. Kailangan mong maging matatag. Andito lang ako palagi para sayo.” “SaLamat Rico.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD