SHERA "Baby stop running!!!" Sigaw ko sa anak ko nadadapa-dapa na sa katatakbo sa buhangin. Ngunit nginitian nya lang ako at patuloy na tumakbo. Tuwang tuwa pa ito kung madapa samantalang ako halos gusto na syang itali sa tabi ko. Tulad ng plano ng anak ko noong sa eroplano pa lang kami, pagkagising nito sa umaga agad itong nagrequest na maliligo daw sya sa dagat. Dahil hapon pa lang nakatulog na ito kaya maaga itong nagising. I called the pancake house of the hotel to deliver our breakfast. Hindi ko na ginising si Dianna at kuya para samahan kami maligo. Im still sleepy too and my body is sore but I cant say no to my son. Ayaw kong tuluyan itong magtampo sakin. Kaya hinintay naming dumating ang pagkain at naglakad papunta sa beach area ng valley. Iniwanan ko na lang ng note sina Dianna

