CHA’s POV Kinausap ko na si Ma’am Cel na hindi na ako papasok. Idinahilan ko na lang na kailangan kong mag-focus sa aking mga subject lalo na at nabigyan ako ng scholarship. Wala na naman akong babayaran na boarding house kaya sapat na ang naipon kong pera. Bukod pa roon, hindi ko na ginagalaw ang ibinibigay sa akin nina Mommy Bea at Daddy Hector. Ito naman ang gusto ni Tor, para hindi na kami pumasok ng maaga at hindi na rin sila magkalapit ni Janice. Ako pa ang nagiging dahilan nang paglalapit ng dalawa. Kaya para walang babae na lumapit kay Tor, lalo na si Janice ay aalis na ako sa pagiging SA. Pinagawa na lang ako ng formal letter ni Ma’am Cel at hindi naman mahirap kumuha ng kapalit dahil may mga waiting student para sa pagiging SA. Magkikita naman kami lagi dahil dito pa rin ako

