CHA’s POV Malapit na ang birthday ng aking asawa at ng dalawa kong kaibigan. Magkaka-birthday silang tatlo at dito gagawin sa Quezon. Sa bakuran nina Mommy at Daddy. Ika-21st birthday ng kambal at ika-20th naman ni Callie. Ito ang debut para sa mga lalaki. Ang bilis ng panahon, three years ago, ika-18th birthday nila nang um-attend ako ng party. Muli kaming nagkita noon ni Tor. Akala ko huli na dahil may ipinakilala na siyang girlfriend noon. Napakalungkot ng gabing iyon. Mag-isa akong umiyak dito sa may dalampasigan at tanging kadiliman ang nagtatago sa aking pantangis. Akala ko iyon na ang katapusan. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Muling naging kami, nagkaroon ng problema at naging mag-asawa. Napakabata pa namin para sa relasyong pinasok namin pero para kay Tor mas maganda na mag-as

