CHA’s POV “Hindi ko girlfriend si Janice. At wala sa plano ko ang maging girlfriend siya. Isang babae lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Kung bakit lagi ko siyang kasama? Siya ang lumalapit sa akin. Pero wala kaming relasyon. May gusto lang akong matuklasan kaya hinahayaan ko lang siya. Tulad ni Brent, gusto ko rin malaman ang sikreto ni Janice at bakit kailangan ka niyang siraan sa akin?” paliwanag ni Tor. “I’m really sorry, Cha. Ang bilis kong nagpadala sa galit. Kinain ako ng pagseselos ko. Pinagsisihan ko ang kalapastanganan na ginawa ko. Sana bigyan mo ako ng chance, kahit bilang kaibigan?” Napakabata pa namin ni Tor pero ang dami na naming pinag-daanan. Masyadong seryoso ang buhay para sa aming dalawa. Pwede naman kaming maging mag-kaibigan pero kung may mga nilulutas pa kami, hin

