TOR’s POV Pilit ko naman nilalabanan ang ganito kong ugali, pero bakit masyado akong nasasaktan kapag si Cha ang may gawa? Ang gusto ko lang naman ay maramdaman niya na mahal na mahal ko siya. Pero ako lang pala ang may gusto na magkadikit kaming dalawa lagi. Ako lang ang may gusto na malapit siya sa akin. Ilang araw pa lang, nagsasawa na siya sa akin. Paano pa pala kapag nagpakasal na kaming dalawa? Baka lagi na lang niya akong ipagtatabuyan. Masakit sa akin na hindi siya kibuin pero mas masakit na hindi na rin niya ako kinakausap. Hindi niya ako sinundan pagkatapos naming kumain. Kaya lumipat na rin ako ng upuan. Sobrang tahimik ng byahe namin pag-uwi. Walang nagbibiruan. Lahat tahimik lalo na ako. Dapat ako ang naghatid kay Cha kaya lang ay masama ang loob ko. Pero nakita ko siya s

