“Tor, baka magising sila,” anas ko rito. Iniisip ko lang na kapag nakita nila kami sa ganitong hitsura ay baka mandiri naman sila sa amin. “Shhh, ang isipin mo lang ikaw at ako. Atin ang mga sandaling ito.” Malakas na ang loob ni Tor dahil sa Espiritu ng alak. Kinakabahan lang ako dahil nasa labas kami ng aming kwarto. Okay lang kung kaming dalawa lang ang tao rito pero may mga kasama kami. “Hon, kahit umagahin tayo, lumipat na tayo sa kwarto, please. Hindi na ako tatanggi, promise.” Hinawakan ko pa ito sa kanyang mga pisngi para makuha ko lang ang atensyon niya. Sinusuri niyang mabuti ang aking mga mata kung nagsasabi ba ako ng totoo. HInalikan ko pa ito at ako pa ang nagpasok ng aking dila sa kanyang bibig. Gagawin ko na ang lahat, huwag lang talaga rito sa bar counter. “Kahit magd

