CHA’s POV Ngayon ang simula ng panibagong buhay na haharapin ko. Mabigat man ang pakiramdam ko ay kailangan kong bumangon at magsipag. Lalo na ngayon na gusto kong buhayin ang sarili ko sa sariling sikap ko. Kahit naman isauli ko ang pera kanila Tita Bea ay hindi ito tatanggapin. Kaya itatago ko na lang at pera ko lang ang aking gagamitin. Magtatanong din ako tungkol sa scholarship. Minsan ay wala ng slot pero mas maganda na makapag-inquire na ako para kung magkaroon nang bakante ay ma-consider nila ako. Hindi pa rin ako okay. Mugto pa rin ang mga mata ko. May magagawa naman akong paraan para matakpan ito kahit kaunti. Ang mga marka ko sa katawan na gawa nang panggigigil ni Castor ay kitang kita pa rin mabuti kayang itago ng aking damit. “Tama na ang pag-iyak, Cha. May mga baga

