TOR’s POV Natapos ang pag-bless sa buong kabahayan. Kapag si Mommy at Daddy talaga ang partner, maganda ang kinakalabasan. Parang kami lang na magkakapatid. Malaki rin itong lugar na ito. Sa ngayon ay wala akong plano na gawing commercial place ito. Hindi kalakihan ang bahay na ipinatayo ko rito. Para lang ito sa aming dalawa ni Cha. Para lang kaming magbabahay-bahayan dito. Kumpleto sa gamit at okay na rin para sa maliit na pamilya. Pero dahil sa laki pa ng lot area, pwede namin palakihan ito depende sa pangangailangan namin. Gusto ni Cha ay tatlong anak at ako naman ay lima. Pero hindi pa ito mangyayari hangga’t hindi pa kami tapos sa aming pag-aaral na mag-asawa. Bata pa rin naman kami kaya walang pagmamadali. “Tor, sa iyo itong bahay?” hindi makapaniwalang tanong ng aking asawa.

