Chapter 20 "Prinsipe Aariv mukha may pupuntahan ka yata ngayon?" ngising tanong ni Nishit. Inutusan si Nishit ng mahal na Haring Odiss na bantayan niya ngayon si Prinsipe Aariv kahit na nagpapahinga na ito. Agad naman siyang tumugon sa utos ni Haring Odiss. Pumunta agad si Nishit sa labas ng kuwarto ni Prinsipe Aariv at binantayan niya ito. Hindi na siya nag-abala pang tawagin ito dahil sigurado siyang nagpapahinga na ito. Ngunit napakunot na lang siya ng makitang lumalangoy ito papalabas ng silid nito. "N-nishit? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Aariv. Hindi inaasahan ni Aariv na makikita niya si Nishit sa may labasan ng kanyang kuwarto. Plano pa naman niyang pumunta sa ibabaw ng karagatan para bisitahin ang kanyang mga kaibigan na mga isda pati na rin tignan niya ang

