Chapter 34 Pagkatapos na ihatid ng makisig na binatang si Wallace ang nakainuman nila na sila Marvi ln at Jix ay nagpasya na siyang pumunta sa may dalampasigan. Hindi naman kasi niya magagamit ang binoculars ngayon gabi dahil madilim na ang paligid. Hindi sapat ang mga poste ng ilaw na nakapaligid sa cottage area at liwanag ng buwan para makita ng malinaw ang paligid ng dalampasigan gamit ang binoculars. Sa pagdating ni Wallace sa may dalampasigan ay agad na sumalubong sa kanya ang malakas at malamig na ihip ng hangin. Napayakap na lang siya sa kanyan katawan dahil hindi sapat ang suot niyang puting tshirt para hindi siya masyado lamigin. Nakatingin ang makisig na binatang si Wallace sa bilog na bilog na buwan. Kumpara kagabi ay masasabi niyang mas malaki ang buwan ngayon at tulad d

