Two days before the first day of classes ng semester naghakot na ako ng mga gamit. Infairness, hinatid naman ako kasi madami akong dalang mga gamit. Naglinis na kami nila VM kasama nila Nika and Yara. Unexpectedly, kasama namin si AC sa apartment tama lang sa amin kasi share kami ng room ni VM. Tapos sila Nika and Yara. Then solo ni AC ang room niya since only thorn among the rose naman s’ya. Nag iisang lalaki pero s’ya naman ang pinaka maingay. No choice kami, kailangan naming pakisamahan kasi kami pinagbabantay sa’kanya ng parents nila VM. Ang dami kasing kalokohan kaya nilipat na lang din s’ya sa apartment namin, para masiguro daw na makagraduate talaga at hindi puro ditch sa classes ang ginagawa. After naming naayos ang lahat sa apartment naming nag bonding muna kami sa mall. We just ate and then we watched movie. Then, we went home right after kasi kinabukasan start na ng classes.
As expected, naging hectic ang schedule ko actually, naming lahat. Normal college life, focus sa studies since no lovelife pa naman. School-apartment and vice-versa. I have some extra curricular din pero member lang ng org ‘di na kaya ng power ko pag naging officer pa ako. Nag start na din ang exposure namin so once in while lumalabas kami ng school for some group projects sa Mass Comm, documentary, news gathering saka may schedule kami per team na ma-assign either sa tv station, radion station pati sa mga publishing house ng mga daily paper and tabloids. I am enjoying my life kasi madami akong napupuntahan and of course natututunan at the same time.
Despite of our busy school stuff, naglaan pa din kami ng time na makasama sa gagawing out of town na isa sa acitvity ng org na sinalihan namin. Yes, magkakasama kaming apat na sumali, si VM, Nika at buti napapayag namin si Yara na sumali. Actually, si AC ang nagrecruit sa amin kaya kami napasali sa org na ‘to which is the organization for mountaineers. Exciting kasi saka mahilig din kasi ako sa adventure and I am a nature lover as well. Super fun ang experience, we reconnected to mother nature, nagcamping kami sa mountain peak saka nag bonfire. Bago at kakaibang experience para sa amin kasi madalas sa beach lang ang pinaka-outing namin ng mga friends ko. We explored the beauty of nature ang sarap sa feeling. We took a lot of pictures for souvenirs, from the falls where we enjoyed the cold water, the views, sa mga trails. Hay, sana laging may ganitong activity kasi hindi ako magsasawang sumama. Nakaka-recharge kasi, ang gaan sa pakiramdam ang sarap ng simoy ng hangin ang sarap pa ng tubig sa mga ilog or falls kung saan kami nakakaligo. Tapos na-experience din naming maghanap ng pagkain tulad ng mga fruits or gulay para dagdag sa pagkain namin. Nagkaroon din kami ng mga bagong kaibigan na mga dati at bagong members na katulad namin sa organization.
We came back from our nature tripping. Anyway, nagkaroon ng development ang friendship namin ni Georje because of our common friend kahit hindi naman nagbago ang pagiging matipid niya magsalita. Nagkikita kami if we both have free time. Malapit lang kasi ang school namin. We exchange our landline numbers kaya there are time na nagkakausap kami sa phone. It’s either s’ya ang tumatawag or the other way around pero bibihira lang ‘yun hindi pa siya ang una kong nakakausap kung hindi si Ali or si Jed kasi magkakasama sila. Hindi na s’ya masyadong masungit, pero at times nagsusungit pa din. Still stiff and has cold eyes when he stares and mahangin pa din. Minsan nagkikita kami sa mall with Jed and Ali, sabay kami kumain. May kabaitan naman s’yang taglay kahit paano, kaso I still find him mysterious. I see no emotion in his eyes. Ang hirap basahin. Kaya minsan napapatanong na lang ako kung paano sila nagkakasundo nila Jed and Ali kasi ‘tong dalawang mokong na ‘to are both carefree, madaldal saka palabiro laging nakasmile. Ang laki ng difference ng personality ni Mr. Grumpy s***h stiff s***h boastful guy sa kanila.
Hindi ko talaga inexpect na maging friends kami. I admit hindi pa ako masyadong at ease sa’kanya pero nag a-adjust ako. Kasi kahit paano nagkakasundo naman kami. We only have one thing in common we both love to read novel. Si John Grisham ang favorite author niya while si Danielle Steel and Sidney Sheildon naman akin. Mas madalas ang pag usap namin pero ando’n pa din ang pagiging cold niya. Infairness, may shinare naman s’ya kahit paano. Namatay na pala ang mama niya nung 7 yrs old pa lang sya. Pinasok daw ng magnanakaw ang bahay nila, wala daw ang papa n’ya no’n dahil nasa trabaho. Nanlaban daw ang mama n’ya kaya sinaksak ng magnanakaw. Mabuti na lang daw nakatakbo s’ya papasok sa CR tapos ni-lock n’ya ang pinto kasi ‘yun daw ang sigaw ng mama n’ya bago ito tuluyang mawalan ng buhay.
Matagal daw s’yang tulala hindi nakakapagsalita kwento daw ng mga tita niya kapatid ng mama n’ya. Pagkatapos daw ng libing, dinala s’ya ng papa n’ya at pinatira kasama ang pamiya nito. Do’n lang n’ya nalaman na hindi lang pala sila ang pamilya ng papa niya. Malaki daw ang agwat ng mga edad nila ng mga kapatid niya hindi naman daw s’ya sinasaktan pero hindi rin naman daw gumagawa ng paraan para maging close sila. Mabait naman daw ang madrasta n’ya sa’kanya. Sa katunayan ang madrasta daw n’ya ang minsan nag aalaga sa’kanya ‘pag nasa trabaho ang papa niya.
Hindi din pala madali ang buhay niya. Kahit daw gano’n ‘di daw s’ya close sa pamilya na papa n’ya kahit sa madrasta n’ya na minsang nag aalaga sa’kanya. Mas comfortable daw s’yang makasama ang pamilya ng mama niya. Mas malapit daw s’ya sa lola n’ya. Kaya mas do’n daw niya gustong manatili ‘pag walang pasok. ‘Di naman daw kasi pumapayag ang papa niya na do’n s’ya tumira at mag aral. Kaya gano’n na lang ang set-up sa papa n’ya s’ya titira ‘pag may pasok kasama ang pamilya ng papa n’ya tapos pag bakasyon walang nagagawa ang papa n’ya kasi pilit daw niyang pumunta sa lola n’ya.
May kanya-kanya talagang pinagdadaanan ang buhay ng tao. Pero kahit sobrang bigat ‘di tayo dapat mawalan ng pag-asa at mas ‘di tayo dapat sumusuko. Patuloy lang ang pakikipaglaban sa buhay. Patuloy lang tayong manalig lang sa Diyos kasi ‘di naman Niya tayo pababayaan. Life is too short to feel lonely and to waste time. Kaya sulitin natin gaano man kabigat ang dinadala natin dapat marunong pa din tayong ibalanse ang buhay natin nang sa gano’n nakukuha pa din nating maging masaya at ma-appreciate ang ganda ng buhay. Yes, life is beautiful, no matter how cruel or vicious it may be for others. Still, we have a lot of things to be thankful for, and so many reasons for us to be happy. That’s how life is! It’s up to us on how are we going to handle things in front of us, right?
Tulad ko may kailangan kasi akong patunayan sa family ko. I know they don’t like me that much kasi para sa kanila ako ang pinakabobo sa aming magkapatid. They all can sing while ako that’s one of my frustrations. I don’t get more attention from my parents they are focus to our youngest. And dami kasi n’yang achievements tapos matalino pa sa Math. Samantalang ako, hirap na hirap sa Math. Minsan nga no’ng bata pa ako I remembered na sinabihan ako ng kuya ko na palitan na lang daw ang last name ko kasi nakakahiya daw ako, ang bobo ko daw sa Math. Since then, naging aloof ako sa kanila. Ang tanging kasa-kasama ko palagi ang ballpen and notebook ko. Do’n ko kasi laging nilalabas ang lahat ng feelings ko whether I’m happy and mostly my sadness.
Reminisce.
Hindi masyadong maganda ang childhood ko. Nadanasan kong masampal, mapalo ng patpat ‘di kaya sinturon saka nadanasan ko ding masakal ng sarili kong nanay. Ewan ko ba konting mali ko lang nabubogbog agad ako. Pero ‘di naman gano’n sa mga kapatid ko. Kaya sometimes I asked myself, hanggang saan ko kakayanin ‘to? Iniiyak ko na lang.
“Wala ka talagang silbi batang ka! Puro na lang konsimisyon ang binibigay mo sa akin! Mamatay ka lang sana! Sinayang mo lang ang bowl na ‘yun ang mahal pa naman ng bili ko noon, binasag mo lang!” sigaw sa akin ng mama ko habang hinahataw na naman ako ng hawakan ng walis tambo. Hindi ko naman sinasadyang mabitawan kasi madulas ang kamay ko sa sabon habang naghuhugas, may pagkamabigat kasi ang bowl tapos malaki pa.
Minsan pumupunta ako sa sementeryo para do’n ko iniiyak ang sakit. Namatay kasi ang panganay namin magkakapatid Virus Infection of the brain ang sabi ng doctor, isang rare na sakit na wala pang lunas. Akala ko no’ng bata pa ako s’ya ‘yung tatay ko, s’ya ang nag-aruga sa akin simula baby pa ako. Madalas ang nanay namin umaalis dahil sa negosyo niyang buy and sell. Grade 4 ako no’ng mamatay s’ya, feeling ko naulila na ako kasi s’ya lang naman ang lagi kong kasama, katabi sa pagtulog. Graduating s’ya noon sa college, bumalik kasi s’ya pag aaral no’ng nag aral na ako ng grade 1. Nung wala na ang tataytayan ko, actually tatay ang tawag ko sa’kanya kasi nga ‘di ba kala ko s’ya ang tatay ko.
“Tay, bakit ba kasi ang aga mo akong iniwan, alam mo namang ikaw ang nakakaintindi sa akin ‘di ba? Ikaw lang ang kakampi ko tatay. Miss na miss na kita ‘tay, wala na tuloy akong katabi matulog sa kwarto natin. ‘Yung music sa unan natin hindi na pala gumagana hindi ko naman alam kung paano ayusin kaya ayun mas lalong nakakamiss ang tahimik na tuloy kapag hihiga na ako sa gabi. Pero ‘wag kang mag-alala inaalagaan ko ng mabuti ang kwarto natin, lagi kong nililinis ‘yun saka makintab ang sahig. Hindi ko tinatago sa ilalim ng kama ang mga alikabok na nawalis ko, nilalagay ko na sa pandakot kaya hindi ka na magagalit.” Mahaba kong sabi habang nakaupo sa tabi ng libingan niya at konting paghihikbi.
No’ng wala na ang tatay ko ang laki ng nawala sa akin, parang pinag aral lang ako ng mga magulang ko kasi kailangan. Pero hindi nila naibibigay sa akin ang pag aalaga at atensyon na binibigay nila sa ate ko at sa bunso namin. ‘Yung dalawa ko kasing kuya may sariling buhay na saka nasa abroad nagtatrabaho tapos bihira lang bumibisita sa bahay.
“Hindi ka na muna bibilhan ng bagong sapatos okay pa naman ‘yung sapatos mo noong nakaraang taon. Ang ate mo lang ang bibilhan. Tapos ‘yung bag niya ‘yun ang gamitin mo. Mas kailangan kasi ng ate mo ang bagong bag at sapatos kasi high school na.” paliwanag sa akin ng mama namin. Madalas pag pasukan ganoon ang kalakaran. Nasanay na din ako, pati mga pinaglumaan niyang damit ako ang taga sunod kaya bibihira lang ako nakakasuot ng bagong damit.
Madaming na iinggit sa akin dahil sa tingin nila sa stado namin buhay. People thought that we have a perfect family and that we are rich. But everything they see is just a façade. Smiles are even fake. Kaya ako, inaabala ko na lang lagi ang sarili sa mga bagay na kaya kong gawin. ‘Di na rin ako umaasa na maapreciate ng family ko ang grades ko, kasi average nga lang ako. Eh kesyo ang mga kapatid ko mga deans lister, while ako may line of 7 pa sa Math subjects ko. Basta pinaghirapan ko ang grade na ‘yun, pasado pa din naman ah 78 nga lang pero bawi naman sa ibang subject kasi I always see to it na hindi bumababa ang average ko ng 85 para lage ako payagan ang admin na mag full load sa units.
Back to the present.
Naging super busy na naman ako kasi palapit na ang midterms ang bilis talaga lumipas ng panahon parang kailan lang kakasimula lang klase, saka busy din kami sa preparation for Intramurals or Sports Fest na magaganap after midterm exams kaya siguro hindi na lang namamalayan ang pagtakbo ng mga araw, linggo at buwan. Kaya lagi ako ang late na umuuwi and ako naman ang madalas na umaalis sa umaga. Ang dami kasi naming ginawa since ang department naming ang in-charge para sa ilang video presentations, photography, documentation and many others. Every night after class I have dance practice for Intrams kasali kasi kami sa competition. Kaya super drain na ako pagdating sa apartment bihis na lang then borlog na agad. In the morning naman, maaga ako para sa mga projects ko groupings and invidual. Hindi na halos kami nakakapag kwentuhan nila VM sa dami ng ginagawa ko pero minsan nagkakasabay kami kumain sa cafeteria ng school.
Sleepless nights again. All of us are busy reviewing our lessons for our upcoming midterm exams. Yara went home to their hometown while Nika, VM and I chose to stay in our apartment to review. Si AC naman, umuwi kasi namimiss nya daw ang girlfriend nya. Hay naku! Sya na ang may lovelife! Infairness, going stronger everyday. High school sweethearts pala sila ng gf niya as in steady hindi on and off. Akalain mo faithful pala ang mokong na yun hindi lang halata sa mukha. Para kasing puro kalokohan lang pag nakikita mo sya, laging mapang asar pa! Tapos ang ingay nya lagi pati music ibang iba ang trip metallic music. Parang lagi nangbubulyaw ang kumakanta, tapos di maintidihan ang lyrics ang sakit talaga sa tenga! Lagi pa silang magka away ni Nika kasi laging nagtatalo sa gawaing bahay kung sino ang gagawa. Buti na lang ngayon at peace kaming tatlo dito sa apartment. Si Nika ang pinaka grabe mag aral sa amin, paano deans lister din ang babaeng yan. Bakulaw yan sa numbers BS Accountancy kasi ang degree program nyan. Si VM naman Psychology, kaya sabi nya malapit na din daw sya masiraan ng bait kasi feeling nya nahahawa na sya sa pasyente nya sa mental.
Magkaka iba man kami ng degree program pero hindi hadlang yun. May motto pa nga kami eh… ”Hangga’t buhay ako, buhay din kayo kasi aalagaan natin ang isa’t-isa, walang iwanan.” Sila ang tinuturing kong mga kapatid. May mga bagay na alam nila na hindi alam ng pamilya ko. Pero may mga bagay talaga na hindi ko kayang sabihin kaya sa notebook ko pa din inilalabas.
“Anong nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak at namumutla?” tanong ko agad pagpasok ni VM sa kwarto namin.
“Lui, tulungan mo ko please…” sabi niya habang mangiyak-ngiyak at sumisinghot singhot pa.
“Bakit anong problema?” tanong ko ulit.
“Kasi Lui, Nawala ang wallet ko. Nandoon pa man din ang allowance ko for this week kakabigay lang sa akin ni mama kanina bago ako umalis. Tapos ‘yung bubunot na ako ng pera para magbigay ng pamasahe sa kondoktor kanina sa bus wala na hindi ko mahanap. Hinalohog ko na ang bag ko pero wala pa rin, napahiyia tuloyo ako. Buti na lang kamo may naawa sa akin binayaran ako ‘nung isang babae kahit hindi ako kilala. Katabi ko kasi siya tinulungan pa niiya akong maghanap pero wala talaga.” Mahabang paliwanag niya habang umiiyak pa din.
“Huh? Bakit saan mo ba kasi nilagay ang wallet mo?” tanong ko.
“Dito ko lang naman nilagay sa bag ko, tanda ko ‘yun. Kasi pagkabigay sa akin ni mama nilagay ko agad ang pera sa wallet ko tapos ipinasok ko dito oh kasama ng cassette taps na ito,” paliwanag niya habang pinakita sa akin ang bag niya kung saan niya nilagay at ‘yung kasamang cassette tape.
“Hindi ko alam kung paano sasabihin kay mama. For sure magagalit ‘yun saka nakahiya humingi ulit kasi napunta lang sa wala ang perang binigay niya. Buti na lang kamo tapos na ako nagbayad ng tuition, allowance ko lang talaga ‘yun. Paano ko itatawid ang week an ito?” sabi habang patuloy sa pag-iyak.
“Hindi ko alam kung paano natin sabihin kay mama Shi. Pero sa tanong mo kung paano mo maitatawid ang week na ito walang problema ako ang bahala sa’yo. Wag ka na mag isip kung saan mo kukunin ang pangkain mo saka ang pamasahe at kung may iba kang kailangan. May pera ako, kakatanggap ko lang ng allowance ko mula kay kuya saka may savings ako. ‘Yung mga natitira sa akin every month sinisave ko kasi ‘yun pag wala naman akong pinaggagamitan o kaya kung wala akong gustong bilhin. Kaya ‘wag kang mag-alala sagot na kita this week.” Pag aalo ko sa kanya.
“Thank you Lui. Hindi na ako magdadalawang-isip pa, kailangan ko talaga ang tulong mo. Pero may isang favor pa ako, please ‘wag na lang natin sabihin kay kuya ito.” Mas lalo pa naiyak habang niyakap ako.
“Sige, no problem. Tahan na. Kain na lang kaya tayo. Punta na lang tayong mall, kasi magwiwithdraw din ako. Ano tara?” pagyaya ko sa kanya.
“Nika! Magbihis ka sama tayo sa mall kakain tayo, tapos magogrocery na rin. Nandito na si VM na kanina pa natin hinihinitay.” tawag ko sabay katok sa pinto ng kwarto nila.
“Saglit lang!” sagot niya agad niya.
“Bilisan mo!” sigaw ko ulit.
“Sandali maliligo muna ako, hindi pa kasi ako naliligo eh! Saglit lang naman ko,” paliwanag niya pagkabukas ng pinto na may bitbit nang tuwalya at damit.
“Ano ba ‘yan? pabigla-bigla naman kayo!” dugtong pa niya.
“Ayan kasi ano ba kasi ang ginagawa mo bakit ka nagkukulong na naman? Monk ka ba?” biro ko. Parang tanga lang nag-uusap pa din kami kahit nasa loob na siya ng banyo.
“Nag-aaral ako sa accounting mahirap nang walang maisagot sa exam.” Sagot niya.
“Wow! Ikaw na talaga!” sabat naman ni VM, buti na lang medyo okay na ulit ang mood. Nahimasmasan na siguro.
“Nakakahiya naman sa’yo Ms. Deans Lister! Ikaw walang maisasagot sa exam? Naku! ‘Wag ako ang papaniwalain mo Nika!” pang-aasar ko, which is true kasi matalino naman talaga si Nika. Hindi madali ang program niya pero consistent dean’s lister ‘yan.
Masaya ang naging lakad namin sa mall, kinuwento na din namin kay Nika ang nangyari kay VM saka syempre sinabihan na ‘wag nang iparating kay AC para hindi magsumbong sa parents nila. Nagvolunteer din si Nika na tulungan si VM sa kailangan niya. Nagdinner muna kami bago umuwi, mabuti na lang hindi magkasabay sila AC at VM na bumiyahe dahil dumaan pa raw kina Sheng mayang gabi pa daw ang dating noon.