UNGOL SA LOOB NG TREEHOUSE (COMPLETED) ONE SHOT SHORT STORY

1042 Words
Magkaibigang matalik sina Martha at Eunice. Mahilig silang umakyat sa treehouse. May pinagawang treehouse ang tatay ni Martha para sa kanila ng kanyang kaibigan. Mahilig din sila sa thrill. Isang araw ay may dumaang matanda sa kanilang bahay. Sa tingin niya ay bagong salta lang ito sa kanilang lugar. Pinakatitigan lang nina Martha at Eunice ang matanda. Nagulat sila nang huminto ang matanda sa harapan nila. “Mga hija, saan ba rito ang may treehouse?” mahina at tila pagod na tanong ng matandang babae. Nagkatinginan naman ang dalawang dalaga. Natatakot silang dalawa. Dahil may isang lumang treehouse sa lugar nila ay iyon ang itinuro ni Eunice. “S-sa may unahan po. Makikita niyo ang may isang malaking puno at ang pangatlong puno ay may lumang treehouse,” sagot ni Eunice. Ngumiti ang matanda. Halos tumakbo ang magkaibigan nang makitang kulay pula ang bibig nito. “Maraming salamat sa inyong dalawa. Mag-iingat kayo at huwag na huwag magpunta sa treehouse!” bilin ng matanda bago ito umalis. Nagkatinginan naman ang dalawang dalaga. Habang nasa treehouse ang dalawa ay may naisip na idea si Martha, sa kanilang dalawang magkaibigan ay ito ang mas pilyo. “Eunice, bakit hindi tayo magpunta sa lumang treehouse na ‘yon? Subukan lang natin. Adventure lang ba, ano sa tingin mo?” kumbinsi ni Martha sa kaibigan. Nagningning ang mga mata nito dahil new adventure na naman ito para sa kanya. “Hindi ba at nakakatakot ang magpunta roon? Binalaan na tayo n‘ong matandang babae na huwag pumunta roon,” may takot sa boses na sagot ni Eunice. “Natatakot ka ba? Naku! Huwag kang mag-alala at mag-ko-costume naman tayo. Kapag naka-costume tayo ay hindi tayo tatakutin ng mga multo o maligno!” mahabang pahayag ni Martha sa kaibigan. Walang nagawa si Eunice kundi ang sumang-ayon sa kanyang matalik na kaibigan. Kinagabihan ay nag-suot si Martha ng kulay puting bistida. Habang itim na mahabang bistida naman ang suot ni Eunice. Nagtungo nga ang dalawa sa lumang treehouse. Madilim ang paligid at tanging kandila lang ang dala nila. May dala naman silang sling bag na may lamang bawag, asin at paminta. Dala-dala rin nila ang kanilang cellphone, in case of emergency. Madilim ang buong paligid at biglang umihip ang malakas na hangin. Tumayo ang balahibo ng magkaibigan. Ngayon ay nasa baba na sila ng malaking puno na ang itaas ay may treehouse. Sininyasan ni Martha ang kaibigan na huwag maingay. Nagulat ang dalawa nang may marinig silang ungol. “Hmmm. . .” “Ahhh!!!” Napatutop ang dalawang magkaibigan sa kanilang bibig dahil sa narinig nila. Nagkatinginan din sila. “May maligno nga!” hindi napigilang sigaw ni Eunice dahil sa narinig. Mabilis na tinakpan ni Martha ang bibig ng kaibigan. “Sino ang nand‘yan?” isang buong-buo na boses ang narinig ng dalawang magkaibigan. Naiiyak na si Eunice. Natatakot na ito. Habang si Martha naman ay matapang na sinagot ang nagtanong. Pinatay nila ang dala-dalang kandila at inilabas ang bawang at asin. “Ako ang white lady at ang kasama ko naman ay isang witch!” malakas ang loob na sagot ni Martha. Malakas na napasinghap ang kung sinomang nasa itaas ng treehouse. “Kami naman ang kapre na nangunguha ng white lady at witch!” mas dumoble ang pagdagungdong ng boses sa loob ng treehouse! Dahan-dahan namang tumakbo ang magkaibigang Martha at Eunice. Pagdating sa bahay ay agad na nagbihis ang dalawang magkaibigan. Kinabukasan ay pumasok sa eskwela sina Martha at Eunice. Habang naglalakad ay nakita nilang dalawa ang kanilang crush. Magpinsan na sina Dark at Light. Si Dark ay crush ni Martha at si Light naman ay crush ni Eunice. Siniko ni Martha si Eunice. “Iyong mga crush natin! Sana naman pansinin nila tayo no!” bulong ni Martha kay Eunice. Kinilig naman si Eunice. “Sana nga!” sagot nito. Sinadya nilang dumaan malapit sa mesa kung nasaan ang crush nila. “Totoo kaya ‘yong white lady at witch kagabi?” narinig ng magkaibigan ang tanong ni Dark kay Light. Nagkatinginan ang dalawang dalaga. “Siguro, pero hindi naman ako naniniwala sa kanila eh. Gusto ko ngang magpakita sila sa atin. Dahil kung magaganda sila ay papatusin na natin!” saad ng dalawang binata sabay apir pa. Kinagabihan ay nakaisip ng kalokohan ang dalawang dalaga. Katulad ng nagdaang gabi ay nagsuot sila ng costume. And this time ay mas nakakatakot! Nagpunta sila sa lumang treehouse pagsapit ng dilim. Tamang-tama at may sirang kable ng kuryente kaya naman walang ilaw. Mas naging excited ang dalawang dalaga. Pagdating nila sa treehouse ay muli nilang narinig ang mga ungol. “Ohhh!!” “Ahhh!!” Nagkatinginan naman ang dalawang dalaga at sabay ngisi! Mabilis na nagsiakyatan ang dalawang dalaga at tinakot nila ang dalawang binata sa loob! Ngunit laking gulat ng magkaibigan dahil isang aswang ang nakita nila sa loob ng treehouse! Nag-aahit ito ng kanyang kili-kili! Nanigas ang dalawang dalaga! Hindi sila makagalaw! Wala pa naman silang dalang paminta, bawang at asin. “Gusto niyo bang kayo ang mag-ahit ng kili-kili ko? Pagbibigyan ko naman kayo! Ang gagawin niyo lang ay dapat hindi ako mapaungol habang ginagawa niyo ang pag-aahit ng kili-kili ko!” dumagundong ang boses ng aswang sa loob ng treehouse! “Ahhh!!!” malakas na sigaw ng dalawang magkaibigan at nag-unahan sa pagbaba ng treehouse. “Hoy! Saan kayo pupunta?” malakas na sigaw ng aswang. Nang makababa sila ay may nakasalubong silang dalawang nakamaskara. Panabay na nagsusumigaw ang apat dahil sa takot na nararamdaman. “White lady!” malakas na sigaw ng lalaking nakamaskara ng puti. “Ahhh! Witch!” sigaw naman ng lalaking naka-itim ang maskara. “Aswang!” “Maligno!” sabay na sigaw rin nina Martha at Eunice. Tatakbo na sana ang apat nang may magsalita sa likuran nila. “Saan kayo pupunta? Sabay tayong umungol sa treehouse ko!” nakakatakot ang boses ng aswang. “Ahhh!!!!” panabay na sigaw ng apat at nag-unahang tumakbo. Kinabukasan ay napag-alaman nina Martha at Eunice na sina Dark at Light pala ang nakitang mga lalaki na nakamaskara nang nakaraang gabi. Simula noon ay naging close ang apat at nagkaroon na rin sila ng happy ever after! Sina Martha at Dark. Sina Eunice at Light naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD