Kabanata 16: Loving Mr. Castillo

5000 Words

Kabanata 16 NAGPATULOY NA kami sa pagbiyahe at hindi na nag-imikan pa. Dahil sa ginawa kong paghawak sa kamay niya, umalingawngaw ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagkukuwentuhan at sabik lang ako sa sinabi ni Lei, bakit ko pa kasi hinawakan ang kamay niya?! Natahimik tuloy! Pero hindi na rin naman masama dahil ngayon ay masasabi kong sobrang malambot at makinis ang kanang kamay ni Lei Castillo. Maya’t maya akong napababaling ng tingin sa puwet niyang may dalawang monay. Imbis na pag-isipan ko siya na bakla siya dahil sa puwetan niyang mukhang mas maumbok pa kaysa sa akin ay hindi, mas lalo lang kasi siyang naging hot na tila nakapapasong araw. “Pinag-iinteresan mo talaga ang puwet ko, ano?! Kanina pa kita nakikita riyan " Napalaki ang mga mata ko at natauhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD