Kabanata 20 SOBRANG SAKIT NG LIKOD ko, sa totoo lang na to be honest. Ang lakas ng tulak na nilikha ni Lei, diretso agad sa sahig! Sobrang pagod na nga ako sa event at sa biyahe, mararanasan ko pa ito? Ang totoo, nananadya ba siya?! Sinadya niya ba na itulak ako?! Ang kapal ng face talaga! Sandali, ano pala ang ginagawa rito ni Xian? Hindi ba, galit siya sa kuya niya? Ang ibig kong sabihin ay kinaayawan niya ang kuya niyang si Lei tulad ni Jester dahil nga sa pagkamatay ni Xianna na babaeng kapatid?! Pero ano ang ginagawa niya rito? At mayroon pa siyang balak matulog sa kuwarto ni Lei?! "What brings you here? Oh, you wanna sleep here in my room?" malambing na saad ni Lei sa kapatid niya. Mapagpanggap talaga itong si Lei! Kanina lang na suplado, masungit at sumisigaw, ngayon ay ang a

