Kabanata 18 ANG PAGTULONG sa kapuwa ang isa sa bagay at prinsipyo na pinanghahawakan ko noon pa mang nagkaisip na ako. Bata pa lamang ako, likas na sa akin ang tumulong. Kung ano ang mayroon ako, bukal sa loob kong ibabahagi iyon sa iba. Bata pa lamang ako, sinanay ko na ang sarili ko sa kaisipan na pagtulong. Minsan pa nga, ang isang candy na pinag-ipunan kong bilhin ay ibinabahagi ko pa sa mga kalarong bata. Sa ganoong paraan ko naipapakita ang bertud ng pagtulong. Maliit man na bagay sa iba ay malaki nang maituturing para sa akin. Minsan naman, kapag may nakikita ako na tumatawid na matanda sa kalye, kaagad ko itong tinutulungan na makatawid dahil baka kasi masagasaan ito. Ngunit mainipin akong tao minsan. Kaya naman, nang nasa gitna na kami ng kalye at ang bagal maglakad ng lolo,

