CHAPTER 30 -- “Hindi mo naman sinabing mahilig ka pala sa hospital, halos dito ka na tumira, e. Magkano ba renta at tuwang-tuwa ka rito?” Napailing ako sa sinabi ni Amanda at bumuntong hininga. Tama nga at bumalik na naman ako sa hospital kahit kauuwi ko pa lang. Magkaiba nga lang ang dahilan sa nauna. “Pangarap mo bang maging doctor noon pero hindi ka pinalad kaya pasyente na lang?’’ natatawang ani Jacob habang nagbabalat ng orange. “Kung alam niyo lang kung gaano ko ka-ayaw ang hospital,’’ bulong ko habang tinitignan ang balat kong medyo namumula pa rin. Pagkatapos akong isugod ni Lanzeus dito kagabi ay agad akong nilagyan ng oxygen. ‘Yon ang talaga ang pinakamahalaga kapag inaatake ako ng allergy tuwing nakakakain ng karne ng baboy. Nilalagnat din ako agad na mawawal

