JENINE Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Tanong ko sa aking sarili nang makaalis na ng faculty room si Huxley. Bakit lumalakas ang kabog sa dibdib ko kapag nagkatinginan kaming dalawa? "Beshie, anong nangyari sa 'yo? Ba't ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Leslie. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa faculty room dahil sa pag-iisip ko kay Huxley. "Uhm, nakita kong dito nanggaling 'yong isa sa mga estudyante mo. Ano na namang kasalanan nu'n besh?" dagdag na tanong nito. "Nanuntok kasi 'yon ng isang player sa laro nila kanina. Kaya sinabihan kong makipag-areglo du'n at baka ma-guidance na naman," kaswal kong tugon. "Ano? Nanuntok na naman? Napaka-basagulero talaga niyang Huxley na 'yan, beshie. Akala ko ba, nagbago na 'yon?" Nagkibit-balikat lang ako, dahil

