JENINE Pagkatapos na maipagtapat ni Huxley ang nararamdaman niya sa akin, nakapagpasya na akong iwasan siya. Kahit ang totoo ayaw ko naman pero sa ngayon mas mahalaga sa akin ang trabaho ko. Paano na lang ang maintenance na gamot ni nanay, at ang pag-aaral ng mga kapatid ko, kung matatanggal ako sa trabaho? "Jenine, sabay tayong uuwi mamaya ha," biglang sabi sa akin ni Huxley nang makalabas na ang mga kaklase niya para magrecess. "Uhm, I can't promise eh. May lakad pa kasi kami ni Leslie mamaya," pagdadahilan ko, kahit ang totoo, wala naman talaga. "Ganu'n ba..O sige, next time nalang," aniya. Tumango lang ako habang iniiwasan kong mapatitig sa kanya. Kinahapunan, natanaw ko si Huxley at ang mga kaklase niya na umalis ng campus. Alam kong magha-hangout na naman ang mga 'yon sa club o

