JENINE Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Leslie sa school. Kahit wala naman akong gaanong tulog kagabi at medyo masama ang pakiramdam ko, ngunit 'di ako p'wedeng umabsent. No work, no pay kasi kami, kaya sayang naman kung mababawasan ang sweldo ko. "Sana nga lang nand'yan na ang mga estudyante mo noh? At kung wala pa rin, ipa-guidance mo na kaagad beshie," pahabol na sabi ni Leslie, bago ako lumabas ng faculty room. Muli na naman akong kinakabahan habang binaybay ko ang daan papunta sa SH building. Nang tumapat na ako sa classroom nina Huxley, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob, at bumungad sa akin ang napakaingay at magulong silid-aralan. "Diyos ko," usal ko sa aking sarili. "Anong nangyayari sa mga estudyante ko? Bakit bumalik sa dati ang maingay na senaryong naabutan ko nu'ng

