JENINE Hindi ko akalain na alam pala ni Huxley ang nakaraan namin ng kuya niya. At ang mas nakakabigla pa ay ang tanungin niya ako kung may feelings pa ba ako sa kapatid niya. Kahit naman ang totoo, matagal na akong nakapagmove-on, pero ayoko pa ring pag-usapan ang tungkol sa past relationship ko. Dalawang oras na akong nasa higaan pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Walang ibang laman ng isip ko kundi si Huxley. Hanggang sa maalala ko ang ginawang paghalik ni Sabrina sa kanya kanina. Ang totoo, hindi lang naman dahil masama ang pakiramdam ko kaya ako biglang umalis, kundi dahil takot ako na baka hindi ko mapigil ang mga luha ko at magtaka pa si Leslie sa akin. Pero bakit nga ba naman ako nagseselos? Wala naman akong karapatan sa kanya. At saka ano namang pakialam ko kung maghali

