JENINE Kasalukuyan akong nakahiga sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Bigla namang lumakas ang kabog sa aking dibdib nang mag-appear ang pangalan ni Huxley sa screen. "Hello, Huxley. Ba't napatawag ka?" tanong ko sa kanya. "Uhm, Ma'am kailangan talaga kayong dumalo mamaya sa Victory Ball natin dahil ikaw ang tatanggap ng trophy bilang adviser namin." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sa isip ko, tumawag lang ba ito para sabihin sa akin na h'wag akong mawawala sa Victory Ball? Tsk. "P'wede namang kahit sino ang tumanggap ng trophy eh. P'wede namang ikaw as MVP of the year." "Pero mas masaya pa rin pag nandu'n ka ma'am," anito. Mas masaya? Tama ba naman ang pagkadinig ko? Tanong ng aking isip. "Basta ma'am. See you later. For now, magpahinga ka muna, may konting oras pa naman pa

