Chapter 29

1915 Words
"Anong pinag-uusapan niyo?"  Sabay-sabay kaming napalingon ni Alessia sa taong bigla na lang nagsalita sa aming likuran at nakita si Ely na may dala-dalang mga isda. Ang lalaki ng mga ito na para bang pwede pa yata itong abutin ng ilang araw. Sa tingin ko nga ay isang isda lang sa amin ay sapat na. "Saan ka galing?" Tanong ni Alessia, "Nagpunta ako sa kagubatan kanina pero hindi man lang kita nakita. Sinubukan din kitang hanapin doon pero wala akong nakitang kahit ni anino mo." Mahinang tumawa lamang itong si Ely sabay lapag sa mga isda sa malalaking dahon na kinuha rin nito. Inayos niya ang pagkakalagay niya roon samantalang ako naman ay kinuha na muli ang kutsilyo. "Nagpunta pa kasi ako sa pinagitna ng gubat. Doon ko nakita isang malaking lawa na may malalaking mga isda. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi malaway, kaya napag-isipan kong manghuli na lang doon,"paliwanag nito, "Oo nga pala, may alam ba kayo kung paano magluto ng isda? Kung wala ay pwede naman na ako na lang." Mabilis akong umiling dito at agad na kinuha ang isda para linisin, "Ako na. Alam ko na naman kung ano ang dapat gawin at kung paano ito linisin. Hindi mo na kailangan pa mag-alala, magpahinga ka na lang at ako na ang bahala,"sambit ko at ngumiti rito. Tumango lamang itong si Ely sa akin at naglakad papalapit kay Alessia at umupo sa tabi nito. Mabilis kong pinatagilid ang isda at agad ibinaon ang kutsilyo sa may bandang tiyan nito, pagkatapos ay hiniwa ko ito papunta sa itaas hanggang sa kaniyang ulo at kinuha ang mga lamang loob. Mas mainam na linisan na agad ang panloob, ito rin kasi ang nagiging dahilan kung bakit nagiging mapait ang lasa ng isda. Kinuha ko naman mula sa singsing ang mga spices na gagamitin ko sa pagluluto. Nag-uusap-usap lamang sina Alessia at Ely, samantalang ako naman ay abala pa rin dito. Pagkatapos nang isa ay agad kong kinuha ang isang matulis na kahoy at tinuhog ang isda. Napangiti naman ako ng wala man lang kahit ni isang problema akong nakasalamuha. Gumawa na ako ng apoy bago ko nilagyan ng asin at isda, pagkatapos ay agad ko itong pina-ikot doon na para bang lechon. Ngayon ay hihintayin na lang namin itong maluto. Iyong ibang isda ay gagawin na lang naming ulam sa umaga at hanggang sa tanghali. Sigurado rin naman kasi ako na hindi namin ito agad mauubos. Abala lamang ako sa pag-iikot ng isda na ito habang pinapakiramdaman ko ang mainit na apoy. Ngayon ko lang yata na kaya na na appreciate ko ang ganitong klaseng bagay. Sobrang lamig na kasi ng paligid dahil maggagabi na, kaya sobrang importante talaga ng apoy para sa aming katawan. Lumipas ang ilang sandali ay na tapos na rin ako, inihaon ko na ito at inilagay sa isang parang dahon ng saging na kulay yellow. Kinuha ko na rin ang pinaglutuan ng kanin at iniligay sa tabi ng isda. "Ely, Alessia,"tawag ko sa kanila. Sabay naman na lumingon ang dalawa na may pagtataka sa kanilang mga mukha. "Bakit?" Tanong ni Alessia. "Kakain na ba tayo?" Tanong naman ni Ely. Tumango laman ako sa kaniya bilang tugon at itinuro ang mga pagkain. Ngumiti lamang ang mga ito at naglakad na papalapit sa akin.  Ngayon ko lang na pansin na iba na pala ang suot nitong si Ely. Hindi na ito katulad sa damit na sinuot niya na sobrang galante. "Nagbihis ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng kanin. "Oo,"tugon nito, "Bukas na bukas din kasi ay dadaan tayo sa isa sa mga lugar na kilala bilang punong-puno ng mga magnanakaw. Alam ko na sa oras na dadaan tayo roon tapos iyon ang suot ko ay siguradong masarap ito sa kanilang mga mata." Kung sabagay ay tama nga naman siya. Habang nasa bayan pa nga kami kanina ay talagang hindi na mapigilan ng mga tao na mapalingon sa kaniya. Sobrang yaman ba naman ng postura na para bang gawa sa ginto ang buong kasuotan. "Hindi ba at talagang nasa isipan na, na dapat kapag nasa isang paglalakbay ay ipinagbabawal ang pagsuot ng mga damit na ganoon kagalante?" Tanong ni Alessia, "Sa pagkakaalam ko ay marami talagang magnanakaw sa mga ganitong klaseng lugar." "Sinabi mo pa,"pagsasang-ayon nito, "Noong una talagang wala akong kaalam-alam sa ganoong bagay at halos ikamatay ko ito dahil inatake kami ng ilang mga lalaking may malalakas na kapangyarihan." "Seryoso?" Gulat na tanong ko. Tumango lamang itong si Ely atsaka nagpatuloy sa pagkwento sa kung ano ang nangyari sa kaniya noon. Habang kumakain kami ay walang tigil din ito sa pagdaldal, ngunit lumipas ang ilang minuto ay na tapos na rin kaming lahat. Iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin atsaka itinapon sa isang lugar na hindi masiyadong makita. Uminom muna ako ng tubig bago naglakad papalapit sa kanila. Tahimik lamang silang nakatingin sa langit at tinitignan ang magagandang bituin na kumislap sa ibabaw na para bang mga sparkles. Umupo ako sa tabi ni Alessia atsaka itinuwid ang aking mga binti. Sobrang napagod ako sa naging lakad namin. Hindi ko inakala na ganoon na pala ito talaga kalayo. Hindi ko nga alam kung ilang araw pa kami aabutin bago makarating sa destinasyon namin. "Ang ganda ng langit ngayon, ano?" Biglang tanong ni Alessia, "Isang panibagong gabi sa mundong ito na wala man lang tayong kilala kahit isa." Hindi naman ako makaimik dahil sa sinabi nito. "Kahit naman ganoon ay wala na rin naman tayong magagawa. Tanggapin na lang natin ang katotohanan na nandito na tayo, gawin na lang natin ang lahat para maka-survive sa panibagong mundo. Hindi natin alam, baka sa misyon na ito ay makita natin ang ating mga kaklse noon. Baka may isa sa kanila na may alam na kung bakit ito nangyayari at kung ano ang dapat nating gawin para makabalik tayo,"tugon ko. "Sa tingin mo ba ay ligtas lang ang mga iyon?" Tanong nito, "Karamihan pa naman sa kanila ay mga sakit sa ulo. May iba rin sa mga iyon ay nagmumukhang matapang kahit hindi naman." "Ganiyan talaga,"tugon ko, "Pero confident naman ako na lahat ng mga iyon ay ligtas sa lugar sa kung saan man sila itinapon. Darating din ang panahon na magkikita-kita tayong lahat." Natahimik naman itong si Alessia at hindi na umimik pa. Nanatili na lang din akong tahimik at nakatingin lamang sa mga bituin. Hindi ko alam kung nasaan na si Ely ngayon dahil bigla na lang itong naglaho bago ako lumapit dito sa tabi ni Alessia. Sobrang lamig ng hangin. Hindi naman ito iyong klaseng lamig na talagang manginginig ka at gusto mong ibalot ang buong kumot mo sa iyo, ang lamig nito ay sobrang nakakakalma at sobrang nakakagaansa pakiramdam. Tila ba ay kino-comfort kami nito at sinasabing magiging maayos lamang ang lahat.  Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa likod atsaka itinaas ang aking paningin. Isang malakas na malamig na hangin ang humaplos sa aking mukha at naging dahilan ng paglipad ng aking mga buhok papunta sa likuran. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nanatiling nakapikit. Sobrang sarap talaga sa pakiramdam kapag ganito ang nasa paligid mo. Sobrang peaceful. Para sa akin ay wala na yatang ikatatahimik pa nito sa buong buhay ko. "Alessia, Val,"biglang tawag ng isang boses babae sa akin na naging dahilan nang pagmulat ng aking mga mata. Nang tignan ko ito ay nakita ko si Ely na seryosong nakatingin sa amin at may dala-dalang papel. Umupo ito sa aming harapan na para bang mayroon itong sasabihin at dapat pag-usapan. "Gusto ko lang sana kayong maka-usap tungkol sa kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gabing ito. Sobrang dali lamang ng ilang daan patungo sa ating misyon, ngunit, sa oras na papalapit na tayo sa lugar na iyon. Halos lahat ng mga delikadong mga halimaw, mga malalakas na mga halimaw ay possible na nating makakasalamuha,"paliwanag nito, "Kung kaya ay ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang dapat nitong gawin sa mga oras na iyon ay kung ano ang possibleng dapat iwasan." Tumango lamang ako at umayos na ng upo. Ipinaliwanag na ni Ely ang mga bagay na gustong-gusto ng mga halimaw. Iyong tipong ito ang nagtutulak sa kanila na atakihin kami. Taimtim lamang akong nakikinig sa kaniya dahil gusto kong protektahan si Alessia, ngayon na wala pa itong kaalam-alam kung paano niya ito palabasin ay ako na muna ang susuporta sa kaniya. Ngunit, sa oras na madiskubre na nga nito. Wala na akong dapat pa ipag-alala.  "Sa oras na makarating tayo sa gubat na ito,"sabi ni Ely sabay turo sa isang gubat na may malaking espasyo sa gitna, "Nais ko sanang sabihin sa inyo na kailangan may isa sa atin na magbabantay sa mga natutulog. Hindi pwedeng hahayaan na lang natin na tayong tatlo ang matutulog na lang ng sabay. Ang kagubatan na ito ay may maraming halimaw sa buong kagubatan na na puntahan ko. Huwag niyo na lang alamin kung anong karanasan pinagdaanan ko sa mga panahon na 'yon pero isa 'yon sa gusto kong kalimutan." "Ganoon ba,"tugon ko. "Oo,"ani nito, "Pero sa ngayon ay sulitin na muna nating magpahinga. Pagdating ng panahon ay mahihirapan na tayo diyan." Tumayo na itong si Ely at nag-unat sabay ngiti sa amin, "Pasensiya na kayo at mukhang ginulat ko pa yata kayong dalawa. Alam ko naman na ito 'yong unang misyon niyo, kung kaya ay nais ko lang talaga ipaalam sa inyo ang dapat niyong malaman sa misyon na ito,"sabi nito sabay yuko. Napakamot naman ako sa aking ulo at agad na tumayo mula sa sahig. Isang mahinang tapik lamang ang aking ibinigay sa kaniya at umiiling na naglakad papunta sa aking higaan. "Hindi mo naman kailangan mag-alala,"tugon ko, "Alam mo naman siguro na masaya kami sa ginagawa mo. Wala kaming kaalam-alam at heto ka ngayon, ginagabayan kami sa anong pwede naming gawin. Ano ang pwede, bawal, at iba pa." "Kaya huwag kang mag-alala at humingi ng pasensiya, Ely,"dugtong ni Alessia at tumabi na rin sa akin, "Kung may nararamdaman man kami ngayon ay iyon ay sobrang saya. Masaya dahil nandito ka at tinutulungan kami. Sobrang saya dahil may pasensiya ka na ipaliwanag sa amin ang basics pagdating sa ganitong klaseng paglalakbay. Kaya, Ely, sobrang salamat talaga sa lahat." Mangiyak-ngiyak naman na napatingin si Ely sa amin atsaka tumango. Tinapik na ni Alessia ang katabi nitong higaan na kung saan hihiga si Ely. "Ilang beses ko na kasi itong ginawa at ilang beses na rin akong sinabihan na nagmamagaling daw ako, porke't anak ako ng heneral,"paliwanag nito. "Hayaan mo na sila. Mga kasama mo naman iyon sa grupo mo noon, iba na naman kasama mo ngayon, hindi ba? Isa pa, tayong tatlo lang naman ang magtutulungan dito kaya malabong maiisip namin iyan sa iyo,"paliwanag nitong si Alessia. Isang ngiti lang din ang ibinigay ko sa kaniya bago muling nagsalita, "Oo nga pala, wala naman kaming pakealam kung anak ka ng heneral o hindi. Tinaggap ka namin bilang kaibigan, hindi dahil anak ka ng isang taong may malakas na kapangyarihan o ano man. Hindi naman kasi ayan ang batayan sa pagiging magkaibigan,"tugon ko, "Kung kaya ay huwag ka ng mag-alala riyan at matulog na tayo. Alam kong marami pa tayong dapat pagdaanan bukas, sobrang layo rin natin ng ating lalakbayin kung kaya ay kailangan natin magpahinga ng maaga. Ikaw na nga ang nag-sabi, maaring hindi na tayo makapagpahinga kapag malapit na tayo roon." Sumang-ayon naman si Alessi at napangiti naman itong si Ely. Nagtawanan muna kami saglit bago naisipan na humiga na at matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD