Chapter 2

1345 Words
"Where are we?" Sabay na tanong ng dalawa sa isa’t-isa habang nakatingin sa kanilang paligid.                     Napansin naman ni Alessia na sila lang dalawa ang naririto sa loob ng guba at wala ng iba. Napaka-tahimik ng lugar at ang lalaki ng mga puno na naka-palibot sa kanila.   "Where are they?" Tanong ni Alessia habang ino-obserbahan ang paligid.   Sa hindi malaman na dahilan ay biglang nakaramdamn ng takot si Alessia, kung kaya ay napa-lapit ito sa kaniyang kaibigan na si Valerie at napa-kapit sa mga braso nito.   "Val, Nasaan tayo?" Tanong ulit nito na bakas sa kaniyang boses ang takot. Nanginginig at nangla-lamig ang mga kamay nito sa takot.           "Hindi ko alam Al,”tugon ni Valerie, “But we will find out kapag nakalabas na tayo sa gubat na 'to,"dugtong niya at hinawakan ang kamay ng nata-takot niyang kaibigan.    “Hindi tayo pwedeng manatili sa lugar na ito,”ani ni Valerie, “Kung kaya ay dapat na tayong mag-lakad palabas sa gubat na ito. I am not sure how dangerous this place is, but I am a hundred percent sure that this place is not safe for someone like us.”   Hinila na ni Valerie ang kamay ni Alessia at nag-simula ng maglakad ang mga ito. Sa kalagitnaan ng kanilang pagla-lakbay ay nabitawan ni Valerie ang kamay ni Alessia na tanging naging suporta niya upang hindi ito madulas sapagkat nanginginig ang kaniyang mga tuhod.   Sa pagbitaw ni Valerie at siya naman ang pagka-dulas ni Alessia na naging sanhi na pag-sakit ng kaniyang paa.   "Aray,"daing ni Alessia at napa-hawak sa kaniyang paa.   Napa-lingon ang kaibigan nito sa kaniya at nakita si Alessia nan aka-upo sa sahig. Nag-aalalang nilapitan niya ito at tinulungan upang makatayo.   "Alessia? Are you okay?" Tanong ni Valerie habang tinu-tulungan ito, bahagyang tumango naman ang kaniyang kaibigan habang naka-ngiwi dulot ng sakit na nararamdaman nito mula sa kaniyang paa. "Yeah, I am fine.” Tugon ni Valerie at pinilit na umayos ng tayo.   "Sure ka ba?” Tanong ni Valerie at hindi maiwasan ang mag-alala para sa lagay ng kaniyang kaibigan, tumango naman itong si Alessia at ngumiti. “Kung gayon ay kailangan na natin magmadali. Hindi ko alam ngunit ramdam ko na ano mang oras mula ngayon ay may lalabas na--,”hindi na natuloy ang sasabihin ni Valerie ng biglang may lumabas na malaking hayup sa kanilang harapan.   Isa itong malaking lobo na may nagla-laway na bibig at mayroon itong matutulis na mga ngipin. May isang malaking mata ito sa gitna at mayroong pulang crystal sa ibabaw ng kaniyang mata na kulay pula. Mayroon itong dalawang buntot na huma-hampas sa likod na naging dahilan upang maputol ang isang sanga ng puno sa kaniyang likod.    Takot na napa-atras ang dalawang magkaibigan sa lobong ito, hinay-hinay itong napa-atras upang hindi sila mapansin at maka-takas ng ligtas ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang lumingon ang lobo sa kanila at galit na humarap sa mga ito.   "A-ano 'yan Val,"nau-utal na tanong ni Alessia. Labis ang takot na naramdaman ng babaeng ito sapagkat, hindi na nga niya alam kung nasaan siya ay mayroon pa na ganitong halimaw na lumabas sa harap nila.   Habang si Valerie naman ay tahimik na naka-titig lamang sa sa lobo na nasa harap ng mga ito. Hinawakan ni Valerie ang kamay ni Alessia at hinila ito papunta sa kaniyang likod na tila ba pino-protektahan nito ang kaniyang kaibigan. Pikit matang naka-kapit sa likod si Alessia habang ini-isip kung ito na ba ang kanilang kamatayan.           Ang tanging nasa isipan lamang ni Valerie ngayon ay ang protektahan ang kaniyang kaibigan kung kaya ay sinubukan nito na maghanap ng pwedeng gawing sandata kapag ito ay umatake sa kanila, ngunit sa hindi kapag minamalas nga naman ay wala man lang kahit ano sa kanilang paligid.   “I only need a sword, damn it! If only I have a sword with me, everything will be okay”, ani ni Valerie sa kaniyang isipan. “The good news is I am very skilled in terms of using a sword but the very bad news is, I only have experience in game. Damn!”   “Can I have at least a sword?” Saad nito habang nakatingin pa rin sa kaniyang kalaban. Kinakabahan si Valerie na kapag inalis nito ang tingin niya sa lobo na nasa harap niya ay bigla na lang itong susugod.             Laking gulat naman ni Valerie ng makaramdam ito ng pag-iinit mula sa kaniyang kamay, at nang mapalingon siya rito ay nakita nito ang isang sandata na unti-unting nabu-buo. Mula sa isang kulay dilaw na mga molecules at ilaw ay nagkaroon siya ng isang sandata, ilang Segundo lamang ang lumipas.   "V-val, Saan galing 'yan?" Tanong ng kaniyang kaibigan na gulat na nakatingin sa kaniyang kamay na may hawak na sandata.   Hindi na siya nag-abala pa na sagutin ang kaniyang kaibigan at sumugod sa lobo. Iniisip nito na kahit ikamatay niya pa ay okay lang basta maging ligtas lang ang kaniyang kaibigan.   “Hide!” Sigaw ni Valerie.   Hindi na nagdalawang isip pa si Alessia na tumakbo patungo sa likod ng isang malaking puno hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan kanina. Habang ang kaniyang kaibigan naman ay tumatakbo pa rin papunta sa lobo, at ganoon din naman ito.   “I don't know how to use this in real life but I need to at least save Alessia” ,she said to herself.             Pilit nitong inalis ang takot na kaniyang nararamdaman at patuloy na tumakbo papunta sa lobo. Nang ilang metro na lang ang layo ng dalawa ay agad nitong itinaas ang kaniyang sandata at tumagilid bago sinubukan na hiwain ang gilid ng lobo. Hindi naman nito inaasahan na natamaan ang lobo at nagkaroon ng sugat at umiyak sa sakit.                     Hindi mapigilan ni Valerie ang mapa-ngisi at makaramdam ng excitement sa kaniyang kalooban. Napansin din ni Valerie na tila ba gumaan ang timbang niya at nakaka-galaw lang siya ng mabilis at walang problema.                     Mas lalo naman lumawak ang ngiti nito ng makita ang isang malaking puno. Tumakbo siya papunta sa puno at hindi naman siya nagka-mali ay sinundan siya ng lobo. Tumakbo lang ito ng tumakbo hanggang sa makarating siya sa harap ng kahoy, sinubukan nitong umatras muna at tumakbo pataas sa puno.           Namangha naman si Valerie sa kaniyang kakayahan at nagpatuloy lang sa pagtakbo patungo sa pinaka-mataas na bahagi ng puno, at nang malapit na siya rito ay agad itong nag-back flip at nakita ang malaking likod nito.             “What a nice sight. An opening!” Saad nito at ngumit ng sobrang lapad.                     Hinawakan ni Valerie ang kaniyang sandata gamit ang kaniyang kamay at tinutok ito sa likod ng lobo, at nang malapit na siyang umabot sa likod nito ay sinaksak niya ang lobo mula sa likod at ibinaon ito hanggang sa makakaya at lumabas ang napaka-daming dugo mula rito. Binitawan na niya ang kaniyang sandata at tinulak ang kaniyang katawan palayo sa lobo na iyon.             Tumapak naman ito sa lupa na ligtas at walang nangyari sa kaniya habang ang lobo naman ay natumba sa sahig at nawalan na ng buhay. Nang dahil sa pagod ay nahimatay si Valerie at napahiga sa sahig.             Kasabay no’n ang pag-hulog ng mga tinatawag na drop items mula sa napaslang nila na lobo. Isang red and silver sword with a red crystal on the handle at habang ang isa naman ay isang scroll.             Dali-daling tumakbo ang kaibigan ni Valerie na si Alessia na nagtatago sa likod ng isang puno patungo sa kung saan nahimatay ang kaniyang kaibigan. Hindi na ito nagdalawang isip na e-check ang pulso nito kung buhay pa, at laking pasa-salamat naman nito na humihinga pa rin ang kaniyang kaibigan at may pintig pa rin ang kaniyang puso.   "Baliw ka talaga! Bakit mo ba kasi sinugod ang hayop na ‘yon,"naiiyak na sabi nito sa kaniyang kaibigan na walang malay. Kinuha lamang nito ang ulo ng kaniyang kaibigan at hinayaan na humiga ito sa kaniyang mga hita.   “Thank you, Valerie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD