"Heneral, ano na naman ang ginagawa niyo rito sa baba? Hindi ba at may maraming trabaho ka pa na kailangan tapusin?" Tanong ng babaeng paparating. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang nakatingin ng masama sa lalaking nasa aming harapan. Hindi makapaniwalang napatingin naman ako sa aking kaibigan na gulat na gulat din sa aking tabi. Ramdam na ramdam ko ang pagkahiya niya ngayong araw. Paano ba naman ay pinagdududahan nito ang isang hindi lamang simpleng tao kung hindi ay ang namamahala pa sa buong Guild.
"Huwag kang mag-alala at tapos na ang lahat ng bagay na dapat kong gawin,"tugon ni Heneral Henry, "Pagpasensiyahan niyo na ang sekretarya ko na si Rizy, sadyang ganiyan lang talaga 'yan."
"Sigurado po ba kayo riyan?" Tanong nito habang nakataas pa ang kaniyang isang kilay. Unti-unting tumango si Henry at itinuro kami.
"Ito pala ang bago nating mga miyembro, hindi pa man sila opisyal ay nararamdaman kong pasado ang mga ito sa pasulit na gagawin,"paliwanag niya.
Ganoon na lang ba ito ka-confident at talagang sinabi niya sa kaniyang secretary na papasa kami? Hindi nga ako ganoon ka sigurado kung talagang magagawa namin ito o hindi. Akala ko noong una ay magpaparehistro lang kami, simpleng sulat lamang sa papel at kuha ng picture. Pagkatapos ay wala na, ayos na ang lahat. Hindi ko naman alam na kailangan pa pala namin kumuha ng examination na hindi ko alam kung paano. Kung tungkol lamang ito sa science, math, programming, english at iba pang subjects, kayang-kaya ko naman. Ngunit kung hindi ito tungkol doon, hindi talaga ako sigurado kung papasa pa ako.
Lumingon sa amin ang babae na may pagtatakang tingin. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya habang pilit na inaabot ang kamay ni Alessia. Nakatitig lamang ito sa amin hanggang sa unti-unting sumingkit ang kaniyang mga mata, ilang sandali pa ay bigla na lang itong napalitan ng kulay berde na naging dahilan ng aking pagkamangha.
"Ano na naman iyan, Rizy?" Tanong ni Henry, "Hindi ka ba nagtitiwala sa kakayahan ko?"
Dahil sa sinabi ng heneral ay bigla na lang bumalik sa normal ang kaniyang mga mata. Isang marahas na hangin ang kaniyang pinakawalan at mas lalong yinakap ang papel na kanina pa niya dala-dala. Ibinaling nito ang kaniyang paningin sa Heneral at tumango.
"Hindi naman po sa ganoon pero ilang beses na rin nagkamali ang inyong mata sa pagpili ng taong dapat pagkatiwalaan,"tugon nito.
Ngayon ko lang na pansin. Parang mas boss pang tignan at kumilos itong si Rizy kung ihahalintulad ko sa Heneral na ito. Kung hindi lamang sila nagpapakilala ay masasabi ko talagang si Rizy ang namumuno sa buong lugar. Sobrang strikto nito tignan, nakasuot ito ng puting damit na hanggang tuhod na may slit sa kaliwang bahagi ng damit. Sobrang hapit din nito sa kaniyang damit pero hindi naman ito masiyadong revealing kung tignan at hindi rin kabastos-bastos. May suot-suot itong salamin na mas lalong nagpapadagdag ng kaniyang appeal. Nakatali ang kaniyang buhok na mayroong parang hairpin na may kakaibang desinyo. Crest siguro iyon ng kaniyang pamilya.
"Ano ang gusto mong iparating, Rizy?" Seryosong tanong ni Heneral. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o hindi. Masiyado itong seryosong nakatingin sa kaniyang secretary na para bang pinagbabantaan. Para lang doon ay galit na galit na ito? Hindi ko alam kung makakaya ko ba kayang insultuhin ang lalaking ito. Mukhang hindi yata ako aabutin ng buwan sa bagong mundo dahil sa kaniya.
"Tigilan niyo po ako sa ganiyang reaksiyon, kung baguhan lang sana ako ay madadala ako sa ganiyan. Kaso hindi, kung kaya ay 'wag mo na lang ipagpatuloy ang binabalak mo dahil wala rin 'yang epekto,"paliwanag ng babae at naglakad na papalapit sa amin.
Isang matamis na ngiti ang kaniyang ibinigay ng makarating ito sa aming harapan. Palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Alessia at tumango, "Magkapatid ba kayong dalawa? Sobrang magkamukha kasi kayo eh." Sambit nito.
Mabilis akong napa-iling dahil sa kaniyang sinabi at ngumiti rin, "Malapit na magkaibigan lang po kami at hindi magkapatid sa dugo,"tugon ko.
"Magkamukha kasi kayo, napa-isip tuloy ako kung magkapatid ba kayo. Pasensiya na,"sambit nito, "Mga baguhan pa ba kayo sa larangan na ito?"
"Opo,"sabay na tugon namin ni Alessia.
Hindi ba at sinabi na naman ni Heneral na mga baguhan kami at nandito kami ni Alessia para kumuha ng pasulit? Bakit kailangan niya pa itanong ng paulit-ulit?
"Isa ka ring makulit na dalaga,"sabi nito at tumingin sa akin, "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sasaktan dahil sa sinabi mo."
"Ha?" Nagtatakang tanong ko rito, "Wala po akong sinabi."
Napalingon ako kay Alessia upang magtanong sana kung may narinig siya pero mabilis itong umiling. Tanging sa isipan ko lamang iyon sinabi, not out loud.
Unti-unting itinaas ni Rizy ang kaniyang kamay at tinuro ang temple nito. Para bang pinapahiwatig niya na gamit ang aking isipan?
Agad na lumaki ang aking mga mata dahil dito. Kaya pala sinabi niyang hindi niya ako sasaktan dahil sa sinabi ko.
"Isa 'yan sa espesyal kong skills. Kaya kong basahin ang isipan ng isang tao kapag malapit lang sa akin,"sabi nito at tumawa ng mahina, "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sasaktan dahil doon. Alam ko na paulit-ulit 'yong sinabi ko pero kailangan ko makasigurado. Kailangan ko pa kasi ihanda ang silid na kung saan dapat kayong kumuha ng pasulit."
"Hindi po ba at dito iyon?" Tanong ko habang nakaturo sa aming likuran. As much as possible, kailangan ko iwasan o gumawa ng paraan para makalimutan niya ang nangyari kanina. Baka kapag hindi na siya nakapagtimpi ay mapapatay ako nito ng maaga. Mahinang tumawa na naman ito ulit. Nabasa na naman ba nito ang sinasabi ko sa aking isipan? Naku naman, Valerie.
"Dito po kasi kami dinala ni Heneral upang kunin ang pasulit bago makapag-rehistro,"sambit ko.
"Tama naman iyan pero dahil sa nalaman ko ngayon ay kailangan natin ng mas siradong lugar. Na kung saan tayo-tayo lamang ang nandoon, diyan kasi ay mayroong ibang mga baguhan na kumukuha rin ng pasulit. Kapag na disturbo natin sila dahil sa inyong mga kapangyarihan, maaring magkagulo ang mga ito,"paliwanag niya at tinignan ang papel sa kaniyang harapan.
Bigla nitong pinindot ang papel na para bang isang tablet. Sobrang weird kung titignan.
"Hindi ba at nakita niyo naman ang ginawa ko kanina, iyong biglaang pagbago ng ang aking mga mata?" Tanong nito habang nakatuon pa rin ang kaniyang atensiyon sa papel, "Iyon ang aking paraan upang basahin ang kakayahan ng isang tao. Isa rin 'yon sa mga espesyal ko na skills. Kaya kong malaman kung anong kakayahan ang mayroon ka at kung anong kakayahan ang wala ka. Kaya nga nandito ako sa Guild para tulungan ang ating pinakamamahal na si Heneral Henry."
"Marami na rin ang gustong kumuha kay Rizy. Sobrang nakakatulong kasi 'yang kakayahan niya sa mga labanan, ngunti ayon sa kaniya ay ayaw niya raw. Masiyadong abusado ang ilang mga tao sa labas ng guild, kaya naisipan nito na rito na lang. Tinaggap ko naman siya bilang sekretarya ko dahil nababagay naman siya roon,"paliwanag ni Heneral at lumapit na rin sa amin, "Minsan naman ay kung may mga malalakas na tao na sumusubok na kumuha ng pasulit ay siya 'yong nag-aasikaso. Nasa kaniya kasi ang kontrol ng isa sa mga espesyal na silid dito sa Guild."
"Ayos na,"sabay-sabay kaming napalingon lahat kay Rizy ng bigla itong magsalita. Yinakap nito muli ang kaniyang papel habang nakatingin sa akin, "Sundan niyo lang kami ni Heneral at wala na kayong dapat ipag-alala. Kami na ang bahala sa inyong pagsusulit."
Nagsimula na itong maglakad palayo sa amin na sinundan naman ni Heneral. Nagkatinginan muna kami ni Alessia bago nagtulakan kung sino ang mauuna.
"Seryoso ba sila?" Tanong nito, "Impossibleng mayroon tayong isang espesyal na kapangyarihan. Bakit kailangan na doon pa sa silid na iyon? Kinakabahan tuloy ako."
"Sa tingin mo ba ay may alam ako? Hindi ko nga alam kung anong kapangyarihan ang mayroon ako,"tugon ko sa kaniya, "Sa ngayon ay ituon na muna natin ang ating atensiyon sa pagsusulit na ito."
"Pagod na pagod na ako,"bulong niya.
"Kaunting tiis na lang."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa pangalawang palapag. Sobrang liwanag ng lugar at ang ganda. Sa tingin ko nga ay gawa sa ginto lahat ng mga gamit na nandito. Hindi ba sila nananakawan sa lagay na ito?
"Sa oras na pumasok kayo sa silid na iyon ay may tatlong tao kayong makikita. Iba ang pasulit na ito sa pasulit ng nasa baba. Unang dapat niyong gawin ay may kailangan kayong sagutan sa papel, pangalawa ay ang bow and arrow, at ang panghuli ay ang pag-alam ng kapangyarihan na mayroon kayo. Huwag kayong mag-alala, hindi naman ito gaano kahirap,"paliwanag ni Rizy at tumigil sa harap ng double door. Sobrang laki pa nga nito, napapatingin pa ako sa itaas dahil sa taas.
"Ito na po ba 'yon?" Gulat na tanong ko.
"Oo, ito na 'yon. Dito na magsisimula ang inyong paglalakbay bilang isang adventure,"sambit ni Heneral, "Sana ay magtagumpay kayo sa mga pagsusulit. Hihintayin namin kayo sa kabila."
I gulped a lot of times because of what they have said. Now this is the real, hell.