Chapter 22

2503 Words
Ilang sandali pa na paghihintay ay dumating na rin ang aming mga pagkain. Hindi ko nga inaasahan na sobrang dami pala ng serving nila rito. Kung aware lang sana ako ay sana kaunti lang ang pinakuha ko kay Alessia, pero hayaan na. Nandito na rin naman 'to kaya kakainin na lang din namin. Sabihin na lang natin na bawi ito sa mga panahon na halos mahimatay na kami sa pagod at gutom. Ibinaling ko ang aking paningin kay Alessia na ngayon ay sobrang saya habang nginunnguya ang pagkain nito. Tahimik lang din na kumakain si Ely kaya hindi na ako nag-abala pa na magsalita. Sa kadahilanan na may sarili namang mundo ang dalawa ay ibinaling ko ang aking atensiyon sa may hardin. Sobrang ganda talaga nito at nakakamangha. Hindi pa rin ako maka-get over sa ganda ng lugar. Kung maari ay gusto ko itong puntahan at singhutin ang bango ng mga bulaklak. May mga puno ring nakapalibot dito, ang mga hangin nito ay humahampas sa isa't-isa dahil na rin siguro sa hangin. Hindi ko inaasahan na ang isang hardin na kasing ganda nito ay makikita ko sa lugar. Sobrang ganda at nakakamangha.  Patuloy lamang ako sa pagkain hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghawak ng isang malamig na kamay sa aking balikat. Nang tignan ko ito ay nakatingin na pala sina Alessia at Ely sa akin. "Ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong ni Alessia, "Wala naman sigurong masama kung ibabahagi mo ito sa aming dalawa." Umiling lamang ako at umayos na ng upo. Napatingin ako sa aking plato na ngayon ay wala na pa lang laman. Kaya siguro nagtataka itong si Alessia, minsan lang kasi talaga ako malunod sa aking isipan. Kumuha ako ng isa pang pagkain sa mga inorder ni Alessia at nagsimula na naman sumubo. Gutom na gutom ako kahit ilang putahi na ang kinain ko. "Busog na ako!" Sambit ni Ely at itinulak ng bahagya ang plato atsaka sumandal sa kaniyang upuan, "Minsan talaga ay pasobra itong mga binibigay nila, minsan naman ay kulang. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga." "Hindi ba at lagi ka naman dito?" Tanong ni Alessia, "Kung ay alam mo na kung gaano kadami ang binibigay nila." "Iyon na nga ang problema, hindi pareho lahat,"ani nito, "Minsan marami, minsan naman kulang." Iba-iba ba nagluluto sa kanila rito? Bakit naman yata ganoon? "Kapag nandito kasi 'yong may-ari ay kaunti lang talaga ang binibigay nila. Mabuti naman at wala si boss ngayon, kung hindi ay mahihirapan ako tumakas sa kaniya,"paliwanag ni Ely. "Ely,"tawag ko rito, "Kanina ko pa napapansin na tinatawag mo na boss ang taong 'yon? Talaga bang boss mo siya?" Ngayon ko lang napagtanto na kapag boss nga pala ang tawag sa isang tao ay employee siya. Masiyado na yata akong gutom at hindi ko man lang na isip 'yon, minsan talaga ay nagiging Alessia the second na ako eh. Masama yata na lagi kaming magkasama nitong babaeng 'to. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ely bago umayos ng tayo. "Ilang tao na ba ang nagtanong sa akin tungkol sa bagay na iyan?" Ani nito at bumuntong hininga,"Ipapaliwanag ko na lang sa inyo para hindi kayo malito. Ayaw ko naman na iba ang iisipin niyo dahil ganoon ang tawag ko sa kaniya. Gaya nga ng sabi ko kanina ay isa akong adventurer." Kung ganoon nga bakit boss tawag niya? Hindi ba dapat ay pangalan lang o Sir o Ma'am? Hindi naman kasi porke't may restau ay boss na. Napaka-impormal naman kasi ng dating no'n. Kung sabagay ay nasa ibang mundo nga naman pala kami. Mukhang wala nga sigurong pormal o impormal dito, except na lang kung ang kausap nito ay isang tao na galing sa marangyang pamilya. Iyong mga prinsesa o hari at reyna. "Ipapakilala ko ulit ang aking sarili, ako si Elyssia, isa sa mga adventurer ng bayan na ito. Kilala rin ako bilang si Ely ng Adventurer Guild. Kung napapansin niyo na kilala ako ng mga tao rito ay dahil ako ang inatasan ng namamahal ng Guild na magbantay sa gulo. Ito rin ang isa sa mga misyon na dapat kong gampanan,"pagpapakilala nito, "Ang Heneral ng Guild, na siguro naman ay nakilala niyo na at nakita. Siya ang aking ama, nag-iisa lamang ako nitong anak." "Anak ka ng Heneral?!" Sigaw na tanong ko rito. Hindi ko inaakala na ganoon ang kaniyang posisyon. Oo nga at inaasahan ko na isa siya sa mga taong may mataas na rank sa Guild pero hindi ko inaasahan na isa pala itong anak ng may pinakamataas na rank doon.  Simple ko lang itong kinakausap at pinaghihinalaan tapos isa pala itong noble. Ang shunga ko rin talaga eh. Sana pala ay noong una pa lang ay tinanong ko na ito kung sino ba siya o ano ba siya. Iyong tipong una pa lang pero inalam ko na ang kaniyang background. Hindi naman kasi ibig sabihin no'n ay aalamin ko lang ito para pagbabasehan kung rerespituhin ko ba o hindi. Aalamin ko lang para alam ko kung hanggang saan lamang ako pwede at kung hanggang saan lamang ko nararapat. Ngayon na alam ko na na isa pala itong mayaman na tao at nasa pinakatuktok ng triangle, nararapat lang siguro na lumayo ako. Baka bukas o mamaya ay magugulat na langa ko na wala na akong ID at kinuha na. Nakakatakot naman ma-offend ang taong 'to. Isang tawag niya lang sa kaniyang daddy at ayos na. "Pero kahit isa akong anak ng Heneral ay hindi naman ako espesyal. Sa katunayan niyan ay tinuturing lang din ako ng aking Ama bilang isang simpleng adventurer. Sa tuwing nasa oras kami ng trabaho ay hindi namin kinikilala ang isa't-isa bilang mag-ama. Kaya huwag niyong iisipin na layuan ako o ano, ilang beses na kasing nangyari ito sa akin,"paliwanag niya, "Hindi ba at hinahanap ko 'yong sinasabi kong kaibigan?" Tumango lamang ako bilang tugon. Natatakot akong magsalita dahil baka ma-offend ko siya. "Sinabihan ko ito sa kung ano ang estado ko sa buhay, kaya ayon, kagaya ng iba. Bigla na lang nawala at hindi na muling nagparamdam pa,"malungkot nitong kwento. Nakakalungkot naman ang buhay nitong si Ely. Kung sabagay ay hindi na rin ako magugulat kung bakit ganoon na lang kung tratuhin ng ibang tao si Ely. Unang-una ay isa siya sa mga malalakas na adventurer sa Guild, at pangalawa ay anak siya ng Heneral. Sino ba naman ang magtatangkang kaibiganin ka kung ganoon naman pala kalakas ang sumusuporta sa iyo? Kahit na siguro na sinasabi ni Ely na kapag oras ng trabaho ay trabaho lang talaga. Walang kamag-anak, pero wala naman sigurong ama na hindi pagbibigyan ang kaniyang anak sa gusto niya. Si Daddy nga ay halos ibigay na lahat sa akin para lang daw mapasaya ako. Nagtatrabaho siya araw-araw, kahit napapalayo ito sa amin para lang may maibigay sa akin. Lahat ng mga latest games at iba pa ay dinadala nito sa bahay. Hindi ko naman ito hinihingi pero ayaw niya talagang magpapigil. "Hindi mo rin naman sila masisisi,"casual na sabi ni Alessia at nagpatuloy lamang sa pagkain, "Kahit sino naman sigurong tao ay magugulat na malaman nila na ang kausap pala nila ay isang anak ng heneral. Kahit ako o kami ni Val ay magugulat talaga. Mabuti na lang at sinabi mo ito sa amin, hayaan mo, hindi ka naman namin iiwan. Wala rin kaming pakealam sa kung ano ka man ngayon, kung magiging mabait ka naman pa lang kaibigan, bakit hindi?" Ngayon ko lang yata ito narinig na nagsalita nang ganoon kahaba? Iba epekto ng pagkain sa babaeng 'to, malala na talaga. "Talaga?" Gulat na tanong ni Ely. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata nito na para bang nagpapahiwatig kung gaano talaga ito kasaya. Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa binibigay nitong reaksiyon sa sinabi ni Alessia. Ilang beses na kaya niyang pinaliwanag ang buhay niya sa iba? Kawawa naman 'to.  "Oo naman,"tugon ko, "Wala naman kaming pakealam kung mayaman ka ba o hindi. May koneksyon ka ba sa mga reyna at hari o wala. Ang sa amin lang ay gusto namin ng totoong kaibigan. Iyong kaibigan na hindi kami tatraydurin at totoo." "Kalmahan mo. Wala naman tayo sa dating mundo,"bulong ni Ely at ngumiti, "Alam ko naman naman na may galit ka sa taong 'yon pero huwag naman pati dito sa bagong mundo ay dadalhin mo pa. Alam mo naman 'yon." Natahimik na lang ako atsaka napa-irap sa kawalan. Naalala ko na naman tuloy 'yong babaeng mahilig traydurin ang mga kaibigan niya. Sobrang bait kapag magkaharap kayo pero agad ka rin sasaksakin kapag nakatalikod ka na. Ang hirap. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi mapakuyom ang aking mga kamao. Labis ang galit na nararamdaman ko sa taong iyon. "May mali ba?" Biglang tanong ni Ely. Mabilis kong iniangat ang aking paningin sa kaniya at nakita itong nakatitig sa akin. Ngumiti lamang ako atsaka umiling.  "Wala naman,"tugon ko, "May naalala lang ako na naging kaibigan namin noon pero kalimutan na natin 'yon. Tapos na ba kayo?" Inilapat ko ang aking paningin kay Alessia na ngayon ay ubos na ang pagkain. Hindi ako makapaniwala sa dami ng kaniyang na kain ngayong araw. Kung titignan ay para ngang hindi pa ito busog at kulang pa ang mga ito. Minsan ay napapaisip talaga ako kung anong klaseng tiyan meron siya. Gusto ko sanang tignan ang loob nito at hanapin ang mga tinatagong tiyan niya. "Tapos na ako,"sabi ni Alessia. "Ako rin. Kanina pa,"segunda naman ni Ely. "Kung gayon ay bayaran na natin ito. Gusto ko na rin gumala sa labas. Talagang gusto ko makita kung anong klaseng bayan itong na puntahan namin ni Alessia,"sabi ko. Ngumiti lamang si Ely atsaka itinaas ang kaniyang kamay. Nagulat naman ako nang bigla na lang may lumitaw dito na parang bill at inilagy na nito ang bayad. Ginaya ko rin si Ely at nagbabakasakaling may lalabas na bill pero labis ang aking pagtataka na walang kahit ni kaunting papel. Anong nangyayari? Mali ba ang paggamit ko o paggalaw ko sa aking kamay? Paano ba dapat? Muli kong itinaas ang aking kamay at hinintay ang na may lumitaw din dito. Napatingin naman sa akin si Alessia at labis din ang pagtataka sa kaniyang mukha. Alam kong malaking tanong din sa kaniya kung bakit walang bill sa kamay ko. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ely, "Binayaran ko na ang pagkain nating tatlo. Huwag kayong mag-alala." Lumaki ang aking mga mata na nakatingin lamang kay Ely. Hindi ko inaasahan na kusa nitong babayaran ang napakaraming pagkain na pinilit namin. Mabilis pa sa alas kuwatro na umiling ako at inilibas ang pera. "Hayaan mo akong magbayad sa mga pagkain namin,"sabi ko, "Napakarami no'n at sobrang nakakahiya para sa iyo. Hayaan mo na lang akong magbayad." Mabilis na umiling itong si Ely at ngumiti sa akin, "Ako na. Isipin niyo na lang na ginawa ko ito bilang pasasalamat sa pagtanggap sa akin bilang kaibigan ninyo." Paliwanag niya atsaka tumayo na. Sumunod naman si Alessia at nasa panghuli ako. Habang naglalakad kami ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang nalulungkot ako and at the same time masaya at thankful. Hindi ko alam pero sigurado ako na dahil ito kay Ely.  Para kasing binabayaran niya ang friendship. Kaya niyang gumastos ng ganoong kalaki para lang magkaroon ng isang kaibigan. Sa totoo niyan ay hindi naman talaga kailangan, sa totoo niyan ay ang dapat lang talaga niyang gawin ay maghanap ng mga taong tatanggapin siya at mamahalin siya. Hindi niya kailangan ilibre o bilhan ng mga kung ano-ano ang mga taong nasa paligid niya para lang matanggap siya. Ayan 'yong pagkakamali ng mga tao ngayon eh. Lumipas ang lang sandali ay tuluyan na rin kaming nakalabas sa Restau. Hindi na namin nakita si Maria na labis naming ipinagtataka, ngunit kahit ganoon ay umalis na kami roon dahil ayaw ni Ely na makita ang boss nila roon. "Naging malapit kasi ang boss sa akin dahil malapit na magkaibigan sila ni Papa. Kung kaya, sa oras na malaman nitong nandoon ako ay halos mapuno 'yong mesa ko ng mga pagkain na hindi ko naman maubos,"paliwanag niya, "Boss lang ang tawag ko sa kaniya kasi boss naman ang tawag sa kaniya ng mga tao roon." "Kaya pala. Akala ko talaga ay isa kang trabahante sa Restau na iyon, kaya na isip ko. Baka boss ang tawag mo dahil nagtatrabaho ka roon pero araw ng pahinga mo ngayon,"paliwanag ko. Tumawa lamang ng malakas si Ely atsaka umiling, "Oh siya! Tara na at simulan nang libutin ang buong bayan. Medyo marami-rami rin itong pupuntahan natin kaya maghanda na kayong dalawa." Anunsiyo niya at hinawakan ang mga kamay namin ni Alessia at hinila. "Ang cute niya,"komento ng kaibigan ko, "Nakakalungkot nga lang. She needs to do that, in order for her to have friends." "Inabuso na rin siguro siya noon,"tugon ko at ngumiti, "Samahan na lang natin at subukan ang lahat para mapasaya siya." Tumango lamang si Alessia at nagpahila na lang kami rito. Halos buong araw ay nilibot na namin ang bayan. Pumunta kami sa ilang lugar na kung saan karamihan sa mga bata ay naglalaro. Lugar na kung saan patok sa mga lovers at iba pa. Hindi ko nga inaasahan na sobrang lawak pala ng bayan na ito. May ilang lugar pa na hindi pa namin napupuntahan pero ayon kay Ely ay sa susunod na lang daw ito. Kapag daw pinuntahan pa namin ang lugar na iyon ay maaring matatagalan pa bago kami makakabalik. Sobrang layu naman daw kasi nito, hindi kaya na maglakad doon ng ilang oras lang.  "Sa susunod ay dadalhin ko kayo sa isa sa mga sikat na lawa rito. Limitado lang ang pinapasok doon kaya sisiguraduhin ko na makakapunta talaga tayo roon,"ani nito. "Ano naman ang gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya, ngunit imbes na sagutin niya ako ay tumawa lamang siya. Sa loob ng halos ilang oras namin na pagsasama ay nakilala ko si Ely. Sobrang masayahin nito at lagi itong proud sa kaniyang bayan. Marami rin siyang baong kwento kaya hindi talaga tahimik itong gala namin. Para bang nagkaroon kami ng isang taong tagadal-dal sa grupo. Kitang-kita ko rin ang mga tao sa paligid na kung saan napapatigil sa tuwing nakikita siya. Minsan ay may mga yumuyuko pa nga para lang batiin ito. Masaya naman ako dahil akala ko noong una ay hindi niya ito papansinin pero lagi niya naman itong binabati pabalik. Isang mabait na noble. Kasalukuyan na kami ngayon na nandito sa hotel. Sa katunayan ay nasa harap na kami ng pinto ng aming silid. Magpapaalam na kami kay Ely dahil gabi na rin at kailangan na magpahinga. "Sasamahan ko na lang kayo sa Guild bukas,"sabi niya, "Wala naman akong gagawin dito." "Sige, Ely. Magandang gabi, pahinga ka na,"paalam ko at kumaway sa kaniya. Tumango lamang ito at nagpaalam na rin kay Alessia bago tumalikod at umalis na. Samantalang kami naman ni Alessia ay tuluyan ng pumasok sa loob ng silid at siniguradong nakasarado ang pinto. Pagkatapos ay nagpapaunahan sa paghiga sa kama sabay pikit sa aming mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD