Lumipas ang halos isang araw na paglalakbay namin bago pa kami nakarating sa aming destinasyon. Wala akong nakikitang mga hayop dito o kahit isang tao. Tanging tahimik na kagubatan lamang ang nandito at ang paghampas lamang ng hangin ang aking naririnig sa loob nito. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang malalaking puno, hindi kalayuan sa aming kinanatayuan. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha dahil ito ang unang beses na nakakita ako nga ganitong klaseng halaman. Sa sobrang laki ng mga ito ay maari kong ihalintulad ang mga puno sa isang bahay. Nakatitig laman ako doon nang maramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa aking balikat, at nang tignan ko ito ay nakita ko si Ely na naka-ngiting nakatingin sa akin.
"Ang ganda niya, ano?" tanong nito sabay iwas ng tingin, "Alam mo ba na ang punong iyan ay ang laging binibisita namin noong ayos pa ang lugar na ito?"
"Kaso nang dahil sa mga halimaw na bigla na lang sumulpot ay hindi na ito napupuntahan, tama ba?" Tanong ko. Unti-unting tumango lamang si Ely atsaka ngumiti. Nanatili pa rin itong nakatingin sa mga puno na para bang inaalala ang mga nangyari noong unang panahon. Mga panahon na kung saan nakakasama pa niya ang kaniyang mga magulang, lalong-lalo na ang kaniyang ina.
"Huwag kang mag-alala. Maibabalik din natin sa dati ang kung anong meron man ang lugar na ito. Sa oras na matapos natin ang misyon ay pwede niyo na ulit itong bisitahin,"sambit naman ni Alessia, "Iyon lang ay kung matatapos natin ito agad."
"Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob, Alessia?" Tanong ko at tumawa ng mahina, "Ang alam ko lang ay magiging maayos ang lahat. May kutob ako na matatapos din natin ito ng walang problema. Isa pa, nandito naman tayo para sa isa't-isa."
Nilingon ko silang dalawa at nakita itong nakatingin din pala sa akin. Nakatitig lamang si Alessia sa akin habang naka-ngiti, samantalang si Ely naman ay parang naluluha na at hindi alam kung ano ang kaniyang gawin. Isang ngiti ang aking ibinigay sa mga ito atsaka nilapitan si Ely. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at tinignan siya sa kaniyang mga mata.
"Hindi ko man alam ang buong pinagdadaanan mo pero isa lang ang masasabi ko. Iyon ay ang may kaibigan ka na para sumuporta sa lahat ng gusto mo. Nandito na kami na hindi ka huhusgahan sa iyong pinagmulan at walang pakealam roon,"paliwanag ko sa kaniya, "Isa man akong tanga pagdating sa pag-obserba sa kung ano na ang nangyayari sa paligid, pero asahan mo na isa akong kaibigan na iyong maasahan."
Nang dahil sa aking sinabi ay unti-unti ng tumulo ang mga luha ni Ely. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil dito. Napatingin ako kay Alessia upang humingi sana ng tulong ngunit ngumiti lamang siya at parang sinasabi na kasalanan ko ito. Mabilis akong napa-kurap sa aking mga mata at yinakap si Ely.
"Huwag ka ng umiyak,"bulong ko. Baka isumbong pa ako nito sa heneral, ako pa yata ang malalagot kapag nagkataon.
Nanatili lamang kaming nakayakap sa isa't-isa sa halos tatlumpung minuto naming nakatayo roon. Unti-unti akong kumalas mula sa kaniya at kasabay naman nito ang pagpunas ng kaniyang mga luha. Isang ngiti ang aking ibinigay kay Ely nang bigla na lang liparin ng hangin ang kaniyang mga buhok.
Ngayon ko lang talaga natitignan itong si Ely. Maganda rin pala siya kahit may ilang peklat sa kaniyang mukha. Naiintindihan ko naman kung saan ito galing at kung bakit. Isa siyang adventurer, at bilang adventurer marami talaga siyang dapat pagdaanan kagaya na lang ng pakikipaglaban. Sa pagkikipaglaban ay hindi maiiwasan na magkaroon ka ng malalim na mga sugat na magiging sanhi ng ganitong klaseng peklat. Siguro nga ay pati kami ni Alessia, aasahan na namin na darating din ang panahon na magkakaroon kami ng ganiyang klaseng peklat. Alam ko kung gaano kasakit ang mga ganiyang klaseng sugat pero wala akong magagawa. Ibang mundo na ito, ibang-iba sa mundo na kinagisnan ko.
"Ikaw kasi, Val!" Turo nito sa akin habang patuloy pa rin na pinupunasan ang kaniyang mga luha. Natawa na lamang ako sa naging reaksiyon nito at tumalikod na.
"Hali na nga kayong dalawa at tignan ang paligid,"sabi ni Alessia, "Hindi ba parang nakakapagtaka na wala tayong nakakasalamuha na kahit isang halimaw habang papunta tayo rito?"
"Ayan nga rin ang napapansin ko eh. Naiintindihan ko naman kung walang hayop sa lugar na ito, ngunit iyong mismong mga halimaw na talaga ang wala? Nakakapagtaka,"tugon ko rito at inilibot ang aking paningin.
Alam kong nakarating na kami sa aming destinasyon kaya labis ang aking pagtataka ngayon na wala man lang kaming nakita na kahit isang halimaw. Wala rin akong napapansin na presensiya na nakatago sa ilang mga puno. Sa pagkakaalam ko lang, kapag ganito ang sitwasyon, kapag matalino ang mga halimaw na aming kakalabanin ay paniguradong ambush ang patutunguhan namin. Ngunit, kahit ni isang presensiya ay wala akong maramdaman sa paligid. Ano kaya ang nangyayari dito? Bakit parang bigla akong nakaramdam ng kilabot dahil sa nangyari.
Inilibot ko ang aking paningin at talagang mga halaman lang ang aking nakikita. Naglakad ako papalapit sa mga kaibigan ko upang sa oras na may biglang sumulpot na mga kalaban ay siyang pagpwesto rin namin. Habang nakatingin ako sa paligid ay na hagip ng aking mga mata ang isang lumang gusali na may mga halaman na nakalatay sa dingding nito. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang isang masamang enerhiya na nagmumula sa gusaling iyon. Iniabot ko ang aking kamay sa aking likuran at nang may mahawakan akong kamay ay agad ko itong hinila. Hindi ko pa rin inaalis ang aking paningin sa gusaling nasa harapan ko. Alam kong may mali dito.
Ramdam ko iyon.
"Bakit?" Rinig kong tanong ni Ely.
"Nakikita mo ba ang gusaling iyan?" Tanong ko kay Ely habang nakatingin pa rin sa gusali na hindi kalayuan mula sa aming kinatatayuan, "Ramdam mo ba ang enerhiya na nagmumula sa loob niyan? Baka nandiyaan ang mga halimaw na dapat nating tapusin."
Hindi naman umimik ang aking mga kasama na naging dahilan ng aking paglingon.
Labis ang aking pagtataka nang makita itong nakatingin lamang sa isang parte ng kagubatan. Hindi ko alam kung bakit pero nang tignan ko ito ay agad lumaki ang aking mga mata. Isang malaking halimaw na kasing mukha ng isang ligaw na lobo ang naglalakad sa kagubatan. Sobrang itim ng enerhiya na pumapalibot sa kaniya. Kitang-kita ko rin mula sa aking kinatatayuan ang mga laway na kulay berde na tumutulo mula sa kaniyang bibig. Sobrang laki ng katawan nito ngunit wala itong damit pang-itaas. Tanging damit lamang sa ibaba ang mayroon. Galit na galit ang kaniyang mukha na para bang wala ito sa mood. Lahat ng nadadaanan nitong mga halaman ay agad niyang binabangga habang tinitignan ng masama.
Isang malakas na ungol ang ginawa nito bago dumapa at tumakbo papunta sa gusali na nakita ko kanina. Isang malamig na kamay ang humawak sa akin at nang tignan ko kung sino ito ay si Alessia pala. Nanginginig itong nakatingin sa lobo na iyon na para bang hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Bahagya naman akong nagulat nang bigla na lang akong hilahin ni Ely patungo sa isang bahagi ng gubat. Medyo may kalayuan ito sa kung saan ang gusali kanina.
Hindi na lang muna ako umimik at hinayaan itong dalhin kami sa kung saan niya gusto. Habang tumatakbo ay hindi ko mapigilan ang hindi mapalingon sa gusali. Wala na roon ang lobo kanina, siguro ay tuluyan na itong nakapasok sa kaniyang pamamahay.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa harap ng isang malaking lawa na ito. Nagtataka kong tinignan si Ely nang mapansin siyang pumunta sa tubig at nanatiling nakatayo roon.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hali muna kayo rito at sasabihin ko sa inyo ang ating sitwasyon ngayon,"tugon nito, "Hangga't maari ay manatili muna tayo rito sa tubig. Ayaw nating lumapit sa halimaw na iyon na walang plano, masiyado iyong malakas para sa ating tatlo."
Wala man akong maintindihan pero sumunod na lamang ako. Naglakad na ako papalapit kay Ely at tumayo rin sa may tubig. Hinihintay sa kung ano man ang possibleng mangyari pagkatapos.
"Anong halimaw ba iyon?" Tanong ni Alessia, "Ngayon ko lang iyon nakita. Sobrang nakakatakot naman ang mukha niya."
Isang marahas na hangin ang ibinuga ni Ely atsaka tingnan kami sa mga mata, "Kaya pala walang masiyadong tumatanggap sa misyon na ito. Ngayon ay alam ko na ang rason kung bakit ang taas ng perang makukuha rito,"bulong nito, "Ipapaliwanag ko sa inyo kung anong klaseng halimaw iyon, ito ay tinatawag na Rogue, o mas kilala bilang taong lobo. Sila ang mga lobong napabayaan at inalis sa kanilang grupo na naging dahilan nang pagwala ng kanilang isipan. Isa sila sa mga malalakas na halimaw sa buong mundo, gaano man kapangit ang kanilang mukha ay ganoon rin kalakas ang kapangyarihan nila. Hindi basta-basta itong natatalo, pero sa pagkakaalam ko ay may isa itong kahinaan."
"Pilak, hindi ba?" Tanong ko rito.
Tipikal na kahinaan ng mga werewolves na katulad no'n ay ang silver. Hindi nila kayang lumapit sa mga bagay na gawa sa ganoong klaseng materyal dahil ikamamatay nila ito, hindi lang naman iyon ang kahinaan nila. Mayroon ding halaman na ayaw na ayaw nilang lapitan, iyon ay ang wolfsbane. Wala akong masiyadong alam tungkol sa wolfsbane pero ayon sa aking nabasa ay kaya nitong mapatay ang isang tao kapag nagkaroon ito ng contact sa skin, especially kapag open wounds siya. Maraming tinatagong sekreto itong wolfsbane na mas naging dahilan kung bakit ayaw na ayaw ng mga werewolves dito. Ngunit, dahil nga nasa ibang mundo kami. Wala akong alam sa mga halaman dito.
Sa ngayon ay ang tanging magagamit namin ay itong silver. May mga binili naman ako kahapon na mga sandata na gawa sa pilak. Sa katunayan niyan ay hindi ko naman talaga kailangan pa bumili, sapagkat kahit isipin ko lang ang mga ito ay mapapasaakin na naman.
"Alam niyo pala,"tugon nitong si Ely, "Ayan ang sabi ng aking ama at na basa ko sa mga libro na nasa silid-aklatan. Ayon doon ay tanging ito lamang ang pwedeng gamitin para mapatay ang halimaw na iyon, at kaya rin dinala ko kayo rito sa tubig ay dahil sa halaman na iyon."
Itinuro ni Ely ang halaman na kaniyang tinutukoy sa aking likuran at nakita ang sinasabi ko kanina. Ang wolfsbane.
Sobrang ganda talaga nito ngunit nakakamatay.
"Siguro ay alam niyo na kung ano ang silbi ng halaman na iyan. Kung kaya ay nais ko sanang sabihin sa inyo kung ano ang gagawin natin upang matapos na ito,"paliwanag ni Ely.
Nagsimula ng magpaliwanag si Ely sa kung ano ang gagawin namin mamaya para matalo ang halimaw na iyon. Kung tutuusin ay sobrang suicidal ng kaniyang pinaplano pero wala kaming magagawa. Tanging si Ely lamang ang may experience sa mga ganitong klaseng bagay. Hindi namin alam kung ano ang tamang proseso ng mga ganitong misyon. Ang tanging magagawa na lang namin ay suportahan ito at sundin ang kaniyang plano.
Halos umabot ng isang oras ang aming diskusyon. Naawa na ako kay Alessia dahil halatang takot na takot ito sa aming sitwasyon. Hindi ko naman ito masisisi dahil ito naman ang naging unang experience niya sa ganitong bagay. Samantalang ako ay minsan, nilalaro ko ito gamit ang Vr o Virtual Reality. Gusto ko sana itong sabihan na huwag na lang sumama at manatili na lang rito pero naalala ko ang sinabi niya sa akin noong isang araw.
Gusto niya ring matuto at maging malakas. Gusto niya na hindi na niya kailangan pa ng tulong mula sa akin at kaya na niyang protektahan ang kaniyang sarili. Ayaw ko naman itong hadlangan dahil ito naman ang kaniyang kasiyahan. Bilang kaibigan ay ang tanging magagawa ko ay suportahan siya, suportahan sa lahat ng gusto niya. Kung darating man ang oras na kung saan ay mapapahamak ito, tsaka na ako papasok sa eksina at tulungan si Alessia.
Hindi ko na pansin na matagal na pala akong nakatitig dito. Kinakaway na nito ang kaniyang dalawang kamay sa harapan ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Alessia. Ngumiti lamang ako sa kaniya sabay tango.
"Bakit naman hindi?" Tanong ko rito pabalik at napatingin sa langit, "Lagi lang naman talaga akong maayos."
Kitang-kita ko ang pagngiti nitong si Alessia sa akin. Alam kong hindi ito naniniwala sa akin, halata naman sa mga ngiti nitong parang nang-aasar. Sa loob ba naman ng ilang taon na naming pagsasama ay hindi pa niya ako makikilala?
"Sabi mo eh,"tugon nito at hinawakan ang kamay ko, "Alam mo ba na natatakot ako?"
"Halata naman,"sambit ko rito at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak, "Ngunit nandito naman ako para sa iyo.
"Alam ko naman iyon,"ani nito, "Ngunit, gusto kahit natatakot ako ay gusto kong matuto."
"Ito na ang stepping stone mo,"tugon ko sa kaniya at napatingin kay Ely na ngayon ay abala sa pagtingin-tingin sa mga halaman na nandito sa tubig, "Ito na ang magiging simula ng ating paglalakbay bilang adventurer. Ito na rin ang simula ng paghihirap natin, kailangan nating maging masipag."
"Lagi naman,"sagot ni Alessia na naging dahilan ng paglingon ko, "What? I am always masipag kaya."
"Medyo makapal ang mukha natin sa part na 'yon,"sabi ko at tumawa ng mahina.
"At least, sa part lang na 'yon, hindi ba?" Tanong nito. Napailing na lamang ako at sakto naman ang paglapit ni Ely.
"Handa na ba kayo para sa ating misyon?" Tanong nito, "Tatapusin na natin ito agad dahil may isang misyon pa tayong dapat lampasan.
"Oo nga pala,"sabi ni Alessia.
"Kaya tara na,"aya naman ni Ely at naglakad na. Sumunod na lamang kami ni Alessi at naglakad na patungo sa kung saan ang halimaw na iyon.
Tahimik lamang namin binabaybay ang daan pabalik sa gusali na iyon. Heto na naman ang nakakakilabot na pakiramdam simula pa kanina. Kitang-kita ko ang maitim na kulay ng enerhiya na nagmumula rito, kung ihahalintulad ko ito kanina ay mas lalong lumakas pa ito.
"May iba pa ba siyang kasama?" Bulong ko sa kanila.
"Sa tingin ko ay tatlo sila,"tugon naman ni Ely.
"Paano mo na sabi?"
"Ang mga ganitong klaseng halimaw ay hindi lamang nag-iisa, talagang maghahanap sila ng mga kasama na magiging karamay nila sa pagsakop ng ganitong klaseng lugar,"tugon ni Ely, "Huwag na tayong magulat kung bigla na lang may susulpot na iba pa. Sana nga lang ay hindi ito sobrang lakas."
Hindi na lamang akong umimik at tumago sa isang malaking puno. Hinihintay ko ang senyas ni Ely na kung kailang kami aatake.
Sabi niya kanina ay talagang lalabas at lalabas ang halimaw na iyon sa kaniyang lungga. Sa oras na mangyari iyon ay tsaka kami gagalaw at patayin ito ng tahimik. Hindi raw kasi kami sigurado kung ilang halimaw ang naninirahan sa buong gubat na ito. Sobrang laki ba naman ng lugar at walang kasiguraduhan kung malalakas ba ang mga halimaw o hindi, kaya kailangan talaga kami mag-ingat sa aming mga kinikilos.
Tahimik lamang kaming nagmamatyag at naghihintay ng tamang oras. Hindi ko alam kung ilang oras pa 'to pero kailangan lamang namin ng patience.