Chapter 31

1004 Words
"Sa loob ng mga panahon na wala ka sa bayan na ito ay napakaraming nangyari. Hindi ko nga lubos maisip na kay bilis lamang kumalat ng mga taong 'yon rito,"paliwanag ng matanda. Unti-unti nitong tinaggal sa kaniyang ulo ang hoodie na nagtatakip sa kaniyang mga mata. Doon ko lang nakita ang isa nitong mata na may malaking peklat na naging dahilan ng pananatiling nakapikit nito. Ang isa naman nitong mga mata ay medyo nahihirapan na rin mamulat, ngunit litaw na litaw pa rin ang kulay asul na mga mata nito. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha dahil sa ganda ng kaniyang mga mata. Sobrang ganda siguro nito kung hindi pa dahil sa kaniyang peklat. Hindi tuloy mawala sa isip ko kung ano ang naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng peklat. Gusto ko itong malaman ngunit sigurado ako na ayaw naman niya itong sabihin sa mga estranghero na katulad namin. Isa na itong pangyayari sa buhay niya na nararapat lamang gawing private. Kapag kasi sinabing private life, talagang lahat ng pangyayari sa buhay mo ay itago mo sa sarili mo. Hindi mo kailangan e-kwento sa lahat ang buong pangyayari sa buhay mo sa iba. Lahat ng achievements mo at iba pa, hindi ko nga alam kung bakit may mga taong hindi alam ang salitang privacy. Gusto nilang sabihin sa iba ang lahat ng bagay na tungkol sa kanila, hindi lang 'yon, talagang malakas sila mag-post ng mga bagay tungkol sa buhay nila at sa mga natulungan nila sa social media. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero minsan ay napapatanong na lang ako kung kailangan ba talagang sabihin sa iba. Alam ko naman na sariling kagustuhan nila iyon pero kalimitan kasi ay mapapahamak ang taong iyon sa ginagawa niya. Concern lang ako bilang tao. Isang marahas na hangin ang aking ibinuga at muling itinuon ang pansin sa matandang nasa harapan namin. Nakatitig lamang ito kay Ely na ngayon ay naka-kunot ang mga noo dahil sa labis na pagtataka. Alam kong gusto niyang ipaliwanag pa ng matanda ang lahat, ang buong detalye kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito sa kaniyang sinabi. Kahit ako ay gusto kong malaman kung ano rin ang ibig nitong sabihin, hindi lang dahil sa chismosa ako pero nararapat naman talaga na alamin ko kung saan tungkol ang pinag-uusapan nila. Nasa panibagong mundo na ako--kami, at itong mundo na ito ay wala kaming masiyadong alam. Ang kahit ni isang kaunting impormasyon ay napaka-importante sa amin, kahit gaano pa iyan kaliit.  Umayos muna ako ng upo sa aking inuupuan at nanatiling tahimik. "Ano ang ibig niyong sabihin?" Gulat na tanong ni Ely, "Gusto kong malaman ang buong detalye kung ano ang nangyayari sa bayan na ito. Hindi ko talaga na iintindihan ang nangyayari sa labas at ang rason kung bakit mo pinigilan ang aking kaibigan. May mali na ba ngayon sa pagtulong sa iyong kapwa? May mali na ba kung tutulungan mo ang mga batang gutom na gutom na paligoy-ligoy sa daan?" Kitang-kita ko ang paglungkot ng mukha nito sabay yuko sa kaniyang ulo. Siguro ay nahihirapan din ito sa nangyayari ngayon. Ngunit, hindi ko rin naman masisisi si Ely. Alam kong kulang lang siya sa impormasyon at kailangan niya lang malaman ang buong detalye tungkol sa mga nangyayari. "Alam ko iyan,"ani ng matanda, "Huwag kang mag-alala. Ipapaliwanag ko naman ang lahat, ang buong katotohanan sa likod ng magulong bayan na ito." "Simulan mo na, kung maari,"tugon ni Ely at sumandal sa upuan sabay pikit sa kaniyang mga mata. Sa tingin ko ay sumasakit na yata ang kaniyang ulo, "Wala akong buong araw para hintayin ang buong storya." Hinigpitan ng matanda ang kaniyang pagkapit sa kaniyang tungkod atsaka huminga ng malalim.  "Limang buwan na ang nakakalipas, ganito pa rin naman itong bayan namin. Sobrang saya, walang problema, masagana pero hanggang sa isang araw ay may dumating ng mga grupo ng mga lalaki rito. Mga lalaking may malalaking katawan at may dala-dalang mga sandata na kay tulis,"paliwanag nito, "Noong una ay malugod pa namin itong tinaggap, ngunit labis ang aming pagkagulat ng bigla na lang nila kaming hiningan ng mga pera. Labis ang pagtataka namin noong una, at umaangal pa ang lahat pero sa oras na gawin namin iyon ay may pinupugutan ng ulo sa gitna ng plaza. Walang magawa ang mga tao kung hindi ang sumunod." Hindi ko makapagsalita dahil sa sinabi nito. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Ibig ba nitong sabihin ay naging s*******r town itong lugar na ito? Bigla na lang nagsitaasan ang aking mga balahibo dahil sa aking narinig. Hindi ko lubos maisip na may mga taong kayang gawin ito sa mga kapwa tao. No, mali, hindi na sila tao, dahil wala na silang puso. Kung may puso man sila ay paniguradong bato na ito, sa sobrang bato ay nahihirapan na itong sirain. "Paano niyo naman maipapaliwanag ang kaguluhan?" Tanong ni Ely habang nakapikit pa rin. "Nang umalis ang mga taong iyon dito sa mundo ay siya naman ang pagsimula ng kinatatakutan namin. Iyon ay ang pagsugod ng mga halimaw sa kalapit gubat dito sa bayan. Tuwing gabi ay pumupunta ang mga halimaw rito upang maghahanap ng papatayin at kakainin. Kung kaya ay karamihan sa mga tao rito ay abala sa pagbili ng mga pagkain upang sa pagsapit ng gabi ay wala na silang dapat ipag-alala. Sasarado na lahat ng gusali dito sa bayan at walang kahit ni isang ilaw kayong makikita,"walang tigil na paliwanag nito, "Nakita niyo naman siguro iyong bata na nasa plaza, hindi ba? Nang dahil sa mga nangyari sa amin ay bigla na lang nagsulputan ang mga magnanakaw. Noong mga unang panahon ay ligtas ang buong lugar na ito sa mga ganoong klaseng bagay, ngunit nang dahil sa gustong mabuhay ng mga tao ng matagal. Natuto ang mga ito na magnakaw at lokohin ang mga baguhan sa bayan." "Isa ba kayo roon?" Tanong ko. Mabilis na ibinaling ng matanda ang tingin niya sa akin at agad na umiling, "Ako ang pinuno ng bayan na ito noon,"malungkot nitong tugon sa tanong ko at bumuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD