Q&A PORTION SINIMULAN na agad ang Q and A portion para sa Miss Teen Earth pageant. By random ang pagtawag sa mga candidates. Pinapapili ni Ron-Ron sa set ng cue cards na hawak niya ang tinawag na contestant saka niya babasahin ng malakas ang tanong nitong napili. After nu’n, meron ang candidate ng one to two minutes para ibigay ang kanyang sagot. Saka siya i-evaluate ng set of judges. Sa naunang tatlong contestants na tinawag, may very confident sa naging pagsagot sa tanong. Meron ding biglang nakaramdam ng stage fright at hindi napigilang mag-stutter nang ibigay ang sagot. At meron masyadong nagtagalan sa pag-iisip ng isasagot kaya inabot ng two minutes limit ay hindi pa tapos ito sa pagsagot sa question. Sumunod na tinawag ay si Jillian Marie Valencia. Hindi makikitang kinakabahan ito

