WALA sa tabi ni Jen si Esrael nang magising siya kinaumagahan. Iginala niya ang paningin sa buong silid; nang hindi mahagip ng kaniyang paningin ang asawa'y nagpasiya siyang bumangon at umupo sa kama. Mayamaya ay binalingan niya ng tingin ang maliit na orasan na nasa bedside table nila. It's already six in the morning. Ang aga ata niyang nagising ngayon? Samantalang nitong mga nakaraang araw ay tinatanghali na siya ng gising. "Irog ko!" tawag niya sa asawa. Alam niyang naroon pa ito ngayon sa mansion. Mamayang seven thirty pa ang alis nito para pumasok sa kaniyang trabaho. "Irog ko!" muling tawag niya sa asawa. Pero hindi pa rin ito sumagot. Makaraan ang ilang minuto, kahit inaantok at tinatamad pa siyang tumayo ay nagpasiya na rin siyang bumangon para hanapin si Esrael. Nagtungo siya sa

