"HIJA, ELVIE..." anang nana Rosing nang makita nitong pumasok sa kusina ang dalaga. "Po, nana Rosing?" "Kumain ka na ba?" "A, tapos na po. Kanina pa po pagkadating ko." sagot nito sa matandang babae na nasa lababo at naghuhugas ng mga pinggan. "Ako na po ang gagawa niyan nana Rosing." anito. Akma na sana nitong lalapitan ang matanda ngunit mabilis naman itong tumanggi. "Hindi na. Kaunti lang naman ito. Maupo ka na lang diyan kung wala ka ng ibang gagawin." Ganoon nga ang ginawa ni Elvie. Pumuwesto ito sa isang high chair na naroon sa gilid ng kitchen counter habang pinagmamasdan ang ginagawa ng nana Rosing. "Siya nga pala, maiba ako hija." muling saad ng matanda. "Ano po 'yon nana Rosing?" Saglit nitong binalingan ng tingin si Elvie bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "E, ka

