"IROG ko..." anang Jen nang pagkamulat niya ng kaniyang mga mata'y ang mukha ng kaniyang asawa ang agad na bumungad sa kaniya. Bigla ring nagsalubong ang mga kilay nito nang mapansin ang mamasa-masang mga mata ni Esrael. "O-okay ka lang, irog ko?" tanong nito. Sunod-sunod namang napatango si Esrael bilang tugon sa asawa. "Nasaan tayo?" tanong ni Jen pagkuwa'y inilibot ang kaniyang paningin sa buong paligid. "We are in the hospital, chiquita." anito. "Hospital?" aniya at biglang inalala ang mga nangyari sa kaniya kanina. Nasa mall siya kasama si Miguel. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo pagkatapos ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. "Thank you, mi amor." anang Esrael at masuyong muling pinisil ang palad ng asawa na hawak-hawak pa rin niya. "I'm so happy right now." dagdag pa

