NAGISING si Geri nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pinto ng kaniyang silid. "Sino ‘yan?" malat ang boses niyang tanong. Halatang antok na antok pa. Halos hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi sa sobrang excitement sa muli nilang pagkikita ni Lucas ngayong araw. "Si Lucas ‘to." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig sabay balikwas ng bangon. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-nueve palang ng umaga. Sa pagkakaalam niya ay ala-una pa dapat ang check in nito. "Geri, pwede ba tayong mag-usap?" "Wait lang." Patakbo siyang nagtungo sa C.R. Dali-dali siyang naghilamos at nag-toothbrush. Grabe ang kabog ng dibdib niya habang pinupunasan ng tuwalya ang mukha. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na siya nagsuklay pa. Pinusod niya na lamang ang buhok at naglaga

