NAGISING si Geri sa tunog ng alarm ng kaniyang cellphone kinagabihan. Agad niyang sinalat ang noo ng asawang mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya ng mga sandaling iyon. Mataas pa rin ang lagnat nito. Bumangon na siya sa kama at tinawagan ang isa sa mga tagaluto nila at nag-request ng Tinola, ang paboritong ulam ni Lucas. Pumasok na siya sa banyo para maligo. May gig sila mamaya kaya kailangan na niyang mag-ayos ng sarili. Binilisan niya ang kilos. Kailangan pa niya kasing pakainin ang asawa at painumin ito ng gamot. Matapos maligo ay lumabas si Geri sa banyo na tanging twalya lang ang nakatapis sa kaniyang katawan. Naglakad siya palapit sa cabinet at binuksan iyon. Tinanggal niya ang twalyang nakatapis sa walang saplot niyang katawan at hinayaang mahulog iyon sa sahig. Kumuha siya n

