ALAS SINGKO palang ng madaling araw ay gising na si Geri. Mamayang alas nueva ng umaga na kasi ang renewal of vows ng mag-asawang Benitez. Matapos makaligo ay agad siyang nagbihis. Isang itim na pencil cut skirt ang napili niyang suotin na tinernuhan niya ng puting sleeveless blouse na may corset belt. Flat sandals muna ang sinuot niya para mas madali siyang makalakad-lakad sa resort habang ino-organize ang event. Nag-apply din muna siya ng light make-up at pinusod ang kaniyang buhok na hanggang balikat ang haba. Matapos makapag-ayos ng sarili ay dali-dali na siyang bumaba at nagtungo sa restaurant. Nang makapasok siya sa loob ay kumpleto na ang mga kinuha niyang suppliers para sa kasal. "Good morning, miss Geri." Bati ng mga ito nang makalapit siya sa mahabang lamesa na inuukopa ng mga

