KINAGABIHAN ay naglatag si Geri ng banig sa labas ng kanilang tent. Magkatabi silang nahiga ni Lucas habang nakatingin sa mga bituin sa langit. "Hon, paano nga pala tayong nagkakilala?" tanong ni Lucas sa asawa. Pumihit ito ng higa paharap sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. "Naging guest ka namin sa resort two years ago. Ako 'yong sumundo sa 'yo noon sa port. Sobrang sungit mo nga sa 'kin no'n. Daig mo pa ang babaeng may regla." "Ikaw? Sinungitan ko?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Parang imposible naman 'yon." "Totoo nga. Dapat kasi kasama mong magbabakasyon dito ang mga friends mo kaya lang bigla silang nag-back out. Kaya 'yon, na-bad trip ka at ako pinagbalingan mo ng inis mo. Ang bad, 'di ba?" "Sorry naman. Bad shot pala agad ako sa 'yo no'n." "Totoo. Pero bumawi ka

