0000015x Jitters Kumain kami sa isang restaurant after nung nangyaring pambibitin na naman ng katangahan ko sa buhay. Nandun na, nandun na... naging bato pa! "What should we do next, love?" tanong niya sa akin matapos niyang bayaran yung kinain namin. Sorry na, wala akong dalang pera ngayon. I'm reviewing for Nmat, hindi ba? Ni hindi ko pa nga alam kung matatanggap ako dun sa pinag-apply-an kong school as a guidance counselor or dun sa isang agency din. Psh. Yung stress umaabot na sa borderline madness! "I don't know. Go home?" sinulyapan ko sya sandali at nagpatuloy maglakad paharap. "Nope. Try again." "Wala akong ganang mag-isip, Dreigo." Mahina kong sagot sa kanya. Wala sa katinuan yung isip ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Dreigo's making it harder for me. Hinarap niya

