Deene's POV Kanina pa salita ng salita si Violet pero hindi ko siya pinapansin. Ayaw ko sana siyang isabay pero tinulongan naman niya ako kay Xian kanina. Yung lalaking yun, nakakainis na. Di ba niya talaga maintindihan na wala na kami. Natigil lang ang pag-sasalita ni Violet ng tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon at ini-loud speaker dahil nagdadrive ako. "Hi, babe. Where are you? Nasa labas ako ng unit mo." Agad na bungad ni Mike saakin. Bago kong boyfriend, magdadalawang araw palang siguro kami pero nawawala na yung interest ko sa kanya. "I'm with a friend. Hindi ako makakauwi agad." Sagot ko nalang at napatingin kay Violet. Nakatingin lang din siya saakin. Agad ko na ding ibinalik sa kalsada ang atensiyon ko dahil para akong matutunaw sa mga tingin niya. "Okay, let's have din

