Deene's POV Nang makaalis si Violet ay nagsimula na ulit kaming magtrabaho. Halos maggagabe na nang makaalis ako ng mall. Agad akong dumeretso sa banyo ng makauwi ako at nagbabad sa bathtub, dahil na rin siguro sa sobrang pagod ay di ko na namalayang nakatulog ako. Nagising nalang ako dahil sa sunod sunod na tunog nang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot. "Where are you?" Bungad saakin ni Violet. "Nasa banyo, bakit?" Sagot ko naman nang tumayo at isuot ang bathrobe na naroon. "Im outside. Kanina pa ako nagdodoorbell." Aniya. Agad naman akong lumabas at nagtuloy-tuloy sa pinto para pagbuksan siya, ibibigay ko nalang yung duplicate key ko mamaya sa kanya para di na niya kailangang magdoorbell pag pumunpunta siya rito. Napangiti ako ng mabungaran ko siyang may dalang isang bouq

